MAYROON NGANG DAPAT katakutan ang mga showbiz-oriented talk shows na The Buzz ng ABS-CBN at Showbiz Central ng GMA-7 sa pag-uumpisa ng Paparazzi ng TV 5. Puwedeng menosin sa umpisa sa technical aspects na marami talagang kapalpakan dahil live show, pero kung mapupulido sa parteng ito, winner ang nabanggit na show.
Noong Linggo, may mga pasabog ito na kung sa kabilang istasyon, tiyak na mga materyales na mababaril, ‘ika nga. Una ay ‘yung sa isyu ng child star na si Buboy Villar. Mabubulabog tiyak nito ang situwasyon ng mga young star na nagtatrabaho para sa dalawang higanteng networks. Baka magkaroon ng muling pag-iimbestiga ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa situwasyon ng kabataang ito na pinapayagang magtrabaho, at baka nga naman gaya ni Buboy, napapabayaan naman nito ang kanyang pag-aaral.
Imagine, nakapagtatrabaho na si Buboy at kumikita na, enough for him to study in a much more decent school pero pipitsugin ang eskuwelahang pinapasukan nito na halatang mababa ang kalidad ng edukasyong naibibigay, bukod nga sa nalaman sa imbestigasyong madalang nang pumasok sa school na ‘yun ang child actor na bida ng Panday Kids ng Siyete.
Inuunti-unti rin ng Singko ang mga artistang diumano’y natsitsismis na bading. Talagang halos bulgaran nang blind items ang discussion. Pero medyo maingat pa nga raw sila dahil nag-uumpisa pa lang ang programa. Pero naniniwala kaming may pagka-libelous ang nature ng talakayan at balitaan sa Paparazzi. Tiyak na gagawa ito ng pambihirang ingay.
Ang segment nga lang na tungkol kay John Estrada ay nagbunga na ng tila hindi maganda, dahil nagre-react na raw ang Brazilian GF nitong si Priscilla Meirelles, tungkol sa blind item diumano na tila nag-uugnay kay John sa aktres na asawa ng isang singer-comedian. Give na give nga naman ang clue. Tiyak na manganganak ito ng mga bago pang isyu.
Sa kabuuan, despite technical glitches, sa laman at laman din lang, lalaban ang Paparazzi. Wala pa siguro silang malalaking artistang pupuwedeng mag-guest. Pero ang mahalaga, hindi lang star-oriented ang mga balita rito. Talagang pagmumulan ng mga nakayayanig na kontrobersiya na ngayon pa lang ay pinag-uusapan.
WOMAN POWER SA tsismis ang troika nina Ruffa Gutierrez, Cristy Fermin at Dolly Ann Carvajal. Balanse ang kumbinasyong ito sa Paparazzi. To think na in some previous points, nagbangayan na sa isa’t isa ang tatlong ito. Pero, sila talaga ang mga mukha ng showbiz na tipong sa dulo’y walang personalan. Sa bandang huli, personal interests pa rin ang mananaig.
Hindi natin sila masisisi dahil palaban ang kumbinasyon ng tatlo sa punto ng balitaan. Kami’y natutuwa dahil ibabalik ng Paparazzi ang format na nagustuhan ng publiko sa See True at iba pang talk shows ng namayapang Inday Badiday, kung saan ipinanganak ang mga totoong showbiz authorities. Isa na nga roon ay ang hard-hitting host ng Paparazzi na si Inay Cristy.
Ruffa just got the right training. Talagang humihirit na rin, dahil siya mismo, very colorful at interesting din ang buhay. She’s in her best element sa pilot telecast nito. Ganoon din si Dolly Ann na fierce and feisty rin ang mga eskandalosang chikang isine-share. At ito na nga siguro ang panahong uusbong sa kanya ang katotohanan kung sino ang tunay na tagapagmana ng trono ng original Queen of Intrigues.
And for all we know, wala mang kredito, tiyak na nakapag-contribute ang tabloid na ito ng idea to come out with a talk show like Paparazzi, na aminin man nila o hindi, patterned from our hottest selling controversial magbloid, Pinoy Parazzi.
Need we say more?
Calm Ever
Archie de Calma