IN FAIRNESS, mukhang magaganda ang lahat ng entries sa Metro Manila Film Festival sa Pasko, huh! Bumubugbog na ng trailer ang mga production outfit, tulad ng Star Cinema na merong two entries: ang Pagpag nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
At ‘yung Girl, Boy, Bakla, Tomboy naman na pinagbibidahan ni Vice Ganda na trailer pa lang ay tawa na nang tawa ang mga tao with matching pangako to self na, “Ah, panonoorin ko ‘to sa Pasko!”
Siyempre pa, nandiyan din ang Hari ng Pasko na si Bossing Vic Sotto kung saan ipinagpahinga na muna niya si Enteng Kabisote, dahil this time, walang magic-magic. Situational ang mga kaganapan sa My Little Bossings, kung saan kasama rin dito sina Kris Aquino, Ryzza Mae Show… este, Dizon at ito na bale ang launching movie ng anak ni Kris na si Bimby Aquino Yap.
Napanood din namin ang teaser ng Boy Golden ni Laguna Gov. ER Ejercito at mukhang promising ito, lalo na’t ang leading lady niya ay si KC Concepcion at directed by Chito Roño lang naman.
‘Yung Pedro Calungsod naman ay poster lang ang nakita namin, pero hindi namin type, kasi, ‘yung pose naman doon ni Rocco Nacino na namimilipit sa sakit ay para lang nag-e-endorse ng Immodium. Sana, palitan ito, lalo na’t kuwento ito ng ating Santo Pedro Calungsod.
Ilan pa lang ‘yan sa mga napapanood namin sa pitong entries. Sana, lahat, maganda. At sana, tumatlo man lang sa Pasko ang bawat manonood para sumigla ang industriya.
NALUNGKOT NAMAN ang lahat nang makumpirma at hindi hoax lang ang balitang namatay sa car accident ang aktor sa Fast & Furious series na si Paul Walker sa edad na 40.
Juice ko, hindi kami masyadong pamilyar sa mga foreign actors, pero nu’ng makita namin ang picture niya, juice ko po, bakit naman siya pa? Gano’n ang reaksiyon namin. At nu’ng araw ring ‘yon ay galing o nasa charity event siya para sa biktima ng typhoon Yolanda.
Eh, ‘di siyempre, kung gano’n, mas nakalulungkot, ‘di ba?
Anyway, gano’n nga yata ang buhay. Pag oras mo na, oras mo na. Kahit nga health conscious ka, ‘pag talagang inabutan ka ng aksidente, wala ka nang magagawa.
Anyway, sa mga naulila ni Paul Walker, our heartfelt condolences.
Lalo na sa mga tagahanga ni Paul.
KAKALOKAH RIN ‘tong si Bimby Aquino Yap nu’ng presscon ng My Little Bossings. Six years old pa lang, me girlfriend na. Ang pangalan ay Aurora. Ang kaso, sabi ni Kris Aquino, nasa Texas na raw ito at nawalan na ng communication.
Kaya nga sa interbyu namin sa mag-ina, we asked Kris, “Ba’t gano’n kaseloso si Bimby ‘pag me nali-link sa ‘yong lalaki, pero siya, me girlfriend na?”
Tumingin si Kris kay Bimby, “Okay, I allow you na to have a boyfriend, but no kissing, no hugging, no holding hands!” At ang nakakalokahng dayalog ni Bimby, “At the end, when I’m dead!”
“O, narinig mo ‘yon, pare. Kahit sa kabilang buhay, ayaw pa rin niya.”
Hahahaha! Nakakalokah, hindi lang si Bimby, silang mag-ina, actually.
Oh My G!
by Ogie Diaz