MAGALING MAGDALA ng issue si Vice ganda. Kahit medyo seryoso ang tungkol sa pagkatanggal ni Maricel Soriano sa supposed to be ay comeback project niya sa Kapamilya Network via the teleseryeng Bukas Na Lang Kita Mamahalin, ina-uplift pa rin niya ang idol niyang si Maria sa sitwasyon. Imbis sumabay sa agos ng sali-saliwang opinion, suportado pa rin niya ang idolo na makakasama niya sa pelikulang comedy movie na ididirek ng isa ring Maricelian na si Direk Wenn Deramas.
Porke’t ang peg ng isyu kay Maria ay ang tungkol sa pagtataray niya kay Gerald Anderson, say ng komedyante, “Ako, magpapasampal ako kay Maricel kahit makailang beses,” natatawang pahayag niya.
Sa bagong obra ni Derek Wenn after the super-mega hit na Sisterakas noong nakaraang Pasko, gaganap na anak ni Maricel si Vice with Gabby Concepcion naman as his dad.
AS A true gentleman, tama lang na hindi nagsalita o nagbigay ng kanyang side ang matinee idol na si Gerald Anderson sa isyung kinasangkutan niya last week with Maricel Soriano.
Tama lang na tahimik muna ang kampo niya para idepensa ang sarili sa isyu na bukod daw sa “performance” niyang sablay noong first day of taping nila ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin, may ibang anggulo sa isyu – ito nga ay linking him with Maria na sa takbo ng mga kuwento at usap-usapan ay may “relasyon” silang dalawa.
Tuloy biruan ng mga beki – not bad for a May-December Affair kung totoo man.
Suwerte ni Maricel sa guwapong si Gerald na bukod sa makatas at sariwa ay pantasya ng sanlibo’t isang mga kababaihan at kabaklaan.
HAPPY KAMI sa kaibigan naming na si Ronald Rafer. Nagsimula siya sa pagsusulat sa showbiz in the mid-90’s na ngayon ay nag-level up na as an indie film director.
Sa pangalawa niyang proyekto,handog niya ang Gabriel, Ito Ang Kuwento Ko na ipalalabas na sa Wednesday, February 6 sa SM Megamall, SM North EDSA, SM Fairview, SM Sta. Mesa at SM Manila .
Natutuwa kami dahil dahan-dahan ay natutupad ang binubuo niyang pangarap. Bilang isang director, pangarap din niyang maidirek ang iniidolong si Nora Aunor pagdating ng tamang panahon.
Isang family drama ang pelikulang Gabriel na pinagbibidahan ng baguhang si Norris John na hindi rin naman bago sa liga ng indie performers natin.
Kaya ang mga showbiz friend ni Ronald sa panulat ay excited na makita ang kanyang obra. Good luck my friend!
BASTA MAGANDA ang project, no need na i-link ang bidang lalaki sa kanyang leading lady. Sa sitwasyon nina Coco Martin at Erich Gonzales na magkasama sa bagong pantaserye ng Kapamilya Network, no need para gamitin na angulo ang “love” ni Coco sa dalaga na openly naman ay proud sa kanyang non-showbiz boyfriend.
Ano ba ang nangyari sa Coco Martin-Angeline Quinto movie na semplang sa takilya na alam mo na pilit na inili-link ang dalawa sa isa’t isa.
Para sa bagong serye nina Coco at Erich, sapat na ang ganda ng trailer nila para magka-interest kami sa “horror” peg ng serye na Pinoy na Pinoy ang timpla.
Bukod sa pantaserye, busy ang actor sa pagtatapos ng pelikulang A Moment in Time nila ni Julia Montes na Valentine Presentation ng Star Cinema.
Sige, magta-trying hard ka, i-link mo rin si Coco ay Julia sa isa’t isa. Basta maganda ang project at maga-ling ang artista at interesting naman ang obra I’m sure papatok ito sa takilya.
SA BAGONG pantaserye ng Kapamilya Network na pagbibidahan ni Sen. Lito Lapid, bumili pala siya ng magandang breed ng kabayo na gagamitin nila sa serye.
Worth 220 thousand pesos ang halaga ng kabayo na binili pa nila sa Batangas, ayon sa kuwento ng kaibigang Alex Marcelino na media coordinator ni Sen. Lapid sa party ng kaibigang Fernan de Guzman aka Ms. F na bagong halal na president ng PMPC.
Anytime next week, kukunan na ‘yong horse-riding scene ni Sen. Lapid.
“Almost 20 years na rin siya hindi nakapangabayo,” kuwento ni Alex sa amin.
Reyted K
By RK VillaCorta