MULI SA ikalawang pagkakataon, sumakay uli sa MRT si Anne Curtis para ‘di mahuli sa kanyang show sa ABS-CBN.
Ganyan kapraktikal si Anne at hindi iniisip na isa siyang sikat na artista na pinagka-kaguluhan at pinapantasya ng mga kalalakihan.
Kesehodang makipagsiksikan siya sa pagsakay sa MRT ay wala itong pakialam. Importante ay makarating siya sa tamang oras sa kanyang show sa Dos.
Ang maganda sa pagsakay ni Anne sa MRT ay maraming natutuwa at nasisiyahang mga tao na nakipagpiktyuran pa sa kanya.
Napakabait at madali rin kasing lapitan si Anne at game itong makipagtsikahan at ma-kipagpiktyuran sa mga taong nakasabay niya sa MRT.
NAGULAT ANG kasamahan namin press nang tinangka niyang manood ng movie nina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati at Solenn Heussaff sa isang sinehan na wala na raw dahil tinanggal.
Sabi raw sa kanya sa naturang sinehan, wala raw gaanong taong nanonood kaya dalawang araw lang ay tinanggal na ito.
Hinayang na hinayang ang kasamahan namin dahil gusto niyang makita ang eksenang nagpakita ng butt daw si Chard.
Nasabi tuloy nito na hindi raw naging epektibo ang pagpapakita ng butt ni Chard sa movie para ito panoorin at magtagal sa isang sinehan.
May movie na ginagawa pa si Chard ngayon with Marian Rivera. Pangamba ng kasamahan naming press, kapag hindi pa raw kumita or nagklik ang movie ni Chard with Marian ay iisa lang ang ibig sabibin noon.
Well, naging negative siguro ang dating ng pag-alis ni Sarah sa ‘Pinas at hindi nito hinarap ang kasong isinampa sa kanya ng GMA 7.
HINDI IKINAILA ni Dingdong Dantes na sobrang dami ng mga pulitiko ang naghahangad na ikampanya niya or tulungan sa darating na election.
Pero ganoon din karami ang na-bigo na makumbinsi siya dahil ayaw raw ni Dong na ibenta ang kaluluwa niya sa mga pulitiko na hindi naman niya kilala nang lubusan.
“Kung kikitain lang talaga, malaki at marami. Pero ngayon hindi naman ‘yun ang importante. I will only endorse somebody kung alam ko na magiging malaking tulong siya sa ating bansa.
“Hindi naman lahat ay tungkol sa pera, prinsipyo ang mahalaga. Kahit walang ba-yad basta pinaniniwalaan ko, susuportahan ko,” say ni Dingdong.
Ibinulgar din ni Dong na marami ngayon ang nag-aalok sa kanya na pasukin na rin ang pulitika. Pero magalang niya itong tinatanggihan dahil ‘di pa raw panahon.
“Hindi pa napapanahon na pasukin natin ang ganyang career. Nandito pa naman tayo sa entertainment business. Okey naman ang lahat kaya tuluy-tuloy lang,” say pa ni Dong.
Samantalang balik pagpo-produce si Dong dahil maganda ang kinita ng Titktik: The Aswang Chronicle at pinag-uusapan na raw nila ng mga kapartner ang follow-up project nila sa taong ito.
NATAWA LANG si Gelli de Belen na mag-asawa ang role ng husband niyang si Ariel Rivera at kapatid na si Janice de Belen sa Ina, Kapatid, Anak.
Hindi lang daw niya lubos na maisip na kung magkakaroon ng kissing scene ang asawa at kapatid niya sa serye ng ABS-CBN.
“Okey lang ‘yung yapakan dahil mag-asawa ang role nila, pero ‘yung maghalikan? Hindi ko talaga alam ang magiging reaction ko. Natatawa ako. Kasi husband ko at kapatid ko, maghahalikan? Hahaha,” say ni pa ni Gelli.
Nilinaw rin ni Gelli na hindi totoo na magma-migrate na sila ni Ariel sa Canada. Ang gusto lang daw nila ay mag-aral ang kanilang mga anak sa Canada at sila ay rito pa rin sa ‘Pinas maninirahan.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo