RYAN AGONCILLO and Judy Ann Santos team up once again with Direk Joey Reyes for their new movie My Househusband: Ikaw Na which is an official entry to the Metro Manila Film Festival (MMFF). Ang pelikula ay tungkol sa mag-asawang Rod (Ryan) at Mia (Juday) na may non-traditional set-up: Rod takes care of the house and the kids habang si Mia naman ang nagtatrabaho sa opisina.
Sabi nga ni Direk Joey, “Ngayong Pasko ay makikita ninyo ang sarili n’yo o isa man lang sa mga kakilala n’yo sa pelikulang ito.” Tama si Direk Joey. Sinasalamin ng pelikula ang katotohanan ng buhay. Maaaring makita natin sa pelikulang ito ang imahe ng ating ama na nagpasiyang mag-alaga ng mga anak sa bahay samantalang ang ating ina ay nagtatrabaho sa ibang bansa; si Ate na successful sa kanyang karera; o kaya naman si Clarence na kaibigang matalik ng isang pinsan na natatakot mawalan ng trabaho dahil may pamilyang umaasa sa kanya.
Ang My Househusband: Ikaw Na ang pelikula nina Juday at Ryan matapos si-lang ikasal. Direk Joey (who also directed Kasal, Kasali, Kasalo and Sakal, Sakali, Saklolo) quickly clarified during the presscon that it is not the third part of KKK and SSS na parehong ginawa nina Juday at Ryan noong magkasintahan pa sila.
Hindi maiiwasang tanungin sina Juday at Ryan tungkol sa kanilang buhay mag-asawa. Sinabi ni Juday na kayang gawin ni Ryan ang lahat ng gawaing bahay maliban lang sa pagwawalis.
Noong magkasintahan pa sila ay mas madali raw umalis kapag natapos na sa shoot ang isa, pero ngayon ay sabay na sila halos umuwi from the shooting. Medyo nahirapan daw si Juday na sigawan si Ryan sa mga eksena sa pelikula dahil hindi niya ito ginagawa in real life. At kapag umuuwi raw sila ng bahay, they see to it that they check first their children Yohan and Lucho in their rooms.
Kuwento pa ni Juday, like any couple ay nagkakaroon din sila ng tampuhan ni Ryan and it takes them four days bago mag-usap. Pero bago pa man mag-react ang iba ay may paliwanag dito si Juday. She said that it works for them because they give each other space para makapag-usap nang maayos.
Nakaka-relate si Ryan sa kanyang role sa movie because at one time, he experienced it with his father who set up his own business at home. Does it affect his self-image if he becomes a househusband? “Hindi ako mapanghusga at sensitive sa gender roles. Walang isyu sa akin na ako ang magsuot ng apron. Hindi chauvinist ang view ko sa marriage,” Ryan said. Kung halimbawa mang maging househusband siya, sinabi ni Ryan na tiwala siyang hindi siya aapihin ng asawa niya.
May nagtanong kung sa totoong buhay ba ay nagselos na si Juday sa isang babae. “Wala pa naman akong nae-encounter na hinaluan ko ng malisya. Maraming kaibigang babae si Ryan. Si Ryan ang klase ng tao na magiging kaibigan ang ex niya. Hindi isyu iyon.” Pero imposibleng hindi ka magselos sa isang ex sabi ni Juday kaya dapat mag-effort kang magpaganda para hindi tumingin sa iba ang mister mo.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda