PINATUNAYAN ni Coco Martin na hindi lang siya pang-telebisyon kundi pwedeng-pwede na rin siya magdirek ng pelikula.
Via his directorial debut as film director ng Ang Panday, pinatunayan ng aktor na pwede siya makipagsabayan sa ibang mga action-fantasy film directors sa klase ng trabaho at gawa niya.
In yesterday’s special screening, maganda ang reviews ng mga taga-media na nakapanood ng ‘Ang Panday’.
During our short interview with Coco (na gamit ang totoong pangalan niya sa directorial credit ng pelikula as Rodel Nacianceno), masaya siya na nairaos niya ang pelikula na sa simula pa lang ay pakay niya ay para sa mga bata.
“Masaya ako dahil ‘yung plano ko for Christmas for the kids ay nagkaroon ng reality,” sabi ng actor-director.
Imagine, kasabay ng paggawa niya ng FPJ’s Ang Probinsyano (na mahirap pagsabayin lalo pa’t bukod sa siya ang artista ay may input din ang aktor sa creative side ng produksyon); mahirap para sa kanya na isabay ang pagdi-direk ng kanyang kauna-unahang directorial movie na para sa amin ay pasadong pasado.
Sa loob ng tatlong buwan ay tinapos niya at nairaos ang pagbuo ng pelikula sa loob ng 37 shooting days.
Ayon kay Coco, sa Vietnam pa niya pinagawa ang post production ng pelikula na base sa kabuunan ng napanood namin, kitang-kita naman ang pasiklab ni Direk Rodel ang mga special effects ng pelikula.
Personally, nagustustuhan ko yong eksenang adventure-fantasy kung saan may eksena si Coco sa mga duwende at sa mundo nina Albert Martinez at Agot Isidro.
Sa pelikula, ang daming mga artista na kasali tulad ni Eddie Garcia, Lito Lapid, Mariel de Leon at Kylie Versoza.
Sa totoo lang, nagandahan ako sa encounter nina Flavio at Lizardo sa bandang last 15 minutes ng pelikula.
Reyted K
By RK Villacorta