Para madaling hiwalayan ‘pag nagkaayawan?
Ai-Ai delas Alas, sa bansang may divorce nagpakasal

GMA’S EPICSERYE Indio takes us back to the oppressive Spanish rule, sentro nito ang paghihimagsik ng mga sinaunang Pilipino laban sa mga mapang-aping dayuhan.

We cannot help but relate it to the contemporary times, sangkot din ang bida roong si Senator Bong Revilla Jr. bilang Simon, lalo’t panahon ngayon ng eleksiyon.

Taal ng Cavite ang mga Revilla, hindi dayuhan ang angkan sa lalawigan kung saan idineklara ang makasaysayang Independence Day sa bayan ng Kawit. Cavite is also home to a great number of unsung heroes who fought for national sovereignty, as our history books would tell us.

Pero kamakailan, sa pag-eendorso ni Pangulong Noynoy Aquino sa mga lokal na opisyal sa Cavite, nagmistulang dayuhan si Sen. Revilla sa kanyang mismong bayan. Parunggit kasi ni P-Noy, huwag daw magpadala ang mga botante roon sa agimat at anting-anting, idagdag pa ang tahasan niyang pagsasabi ng pangangalap ng pogi points.

Ang naturang pahayag ni P-Noy left no difference from any blind item na madalas isulat ng mga kolumnista. Under the guise of anonymity, kung tutuusin, ang pinapaksa ng mga ganoong artikulo pero tukoy na tukoy naman ang pangunahing tauhan.

P-Noy’s mere references to “agimat” and “pogi points” would clearly point to one powerful leader who possesses such characteristics. Hindi pa ba obvious na si Sen. Bong ‘yon?

The initial, instant impression we got—at maging ang publiko, for sure—wala rin palang inilayo si “kuya” kay “bunso” kung pagiging taklesa ang gagawing sukatan.

P-Noy should have exercised decency and propriety expected of the highest leader of the land. Hindi niya teritoryo ‘yon to say that such “amulets” are powerless and of no use. At nasabi ba niya ang tungkol sa pogi points dahil let’s face it, the President is not as handsome as Bong at all?

Bilib din kami kay Sen. Bong. Nang kunin kasi ang kanyang reaksiyon sa mga pasaring ni P-Noy, like a true gentleman that he is, the actor-politician just shrugged it off. Sen. Bong’s seemingly unaffected state is borne out of his high tolerance level sa mga intriga sa showbiz.

Our respect goes to the lawmaker for still maintaining his high respect for the President. Ewan kung feeling ng senador, nasa ilalim pa tayo ng Marcosian rule kung saan whoever spoke ill of the administration ay may naghihintay na political incarceration, or worse, alam n’yo na.

Nakalulungkot that it was P-Noy’s late mom, then-President Cory Aquino who restored democracy. Pero mukhang inaabuso naman ng kanyang anak ang karapatang ito.

FROM A highly placed source, pagpapakasal sa Las Vegas, Nevada ang pakay ng ngayo’y mag-asawa nang sina Ai-Ai delas Alas at Jed Salang.

The couple left for the US last Easter Sunday. Ayon sa aming informant, April 4 or 5 ang itinakdang kasal, which was preceded by a shower party for the would-be bride.

This is the same source who was against the wedding. Katuwiran nito, bakit sa Las Vegas pa kung saan may divorce? Bakit hindi na lang daw sa Pilipinas if indeed, Ai-Ai and Jed wanted their union legal and binding?

“Naku, parang hindi mo naman kilala ang lola mo, ‘no! Maipilit, maipilit. Eh, ‘di sige, go! Tengang-kawali lang siya sa advice ko, although mahal ko siyempre ang hitad. Eh, ‘yun ang gusto niya, as if naman, kahit kaibigan niya ako, eh, susundin niya  ‘ko, ‘di ba? Kaya Mrs. Jed Salang na ang lola mo ngayon, as in official,” ayon sa aming kausap.

Tumayong saksi sa civil wedding nina Ai-Ai at Jed ang mga US-based college friends ng komedyana.

Kasabay nito, ipinagtanggol ng aming source ang noong una’y lumabas as a blind item about Ai-Ai and Jed. Reportedly, mahilig mambuwisit si Jed sa tuwing nagre-rehearse si Ai-Ai for a major show. Yaya umano ito nang yaya sa girlfriend na gumala at mag-shopping sa gitna ng trabaho ng komedyana.

At kapag hindi napagbigyan, ‘yun na ang magiging mitsa ng kanilang pag-aaway na kadalasa’y mauuwi pa umano sa pisikal na pananakit ni Jed kay Ai-Ai.

Lumaon, pinangalanan na sa iba’t ibang showbiz column ang dalawang tauhan sa blind item.

“Naku, saan naman nanggaling ang intrigang ‘yan?” natatawa na lang na reaksiyon ng aming source. “In fairness, Jed is a very nice guy. I can feel that he loves Ai-Ai. Saka ‘yung natsitsismis that Jed is financially dependent on Ai-Ai, naku, there’s no truth to that. Jed works in a car company (Hyundai). Hindi man pantay ang kinikita niya sa kinikita ni Ai-Ai, hindi naman palaasa ‘yung tao.”

Naughtiness got the better of us. Sa TV lang kasi namin nasipat si Jed who strikes as a stocky man. Is he endowed?

Natawa ang aming kausap, sabay sabing, “Dyuts!” Age—like penile size—does not matter, anyway.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleJhong Hilario, nagpasilip ng kadakilaan!
Next articleMas type ang bokalista ng The Script
Janine Tugonon, hiniwalayan ang boyfriend

No posts to display