BAGAMA’T NAGKUKUBLI BILANG blind item, kahit ang literal na bulag ay makapagtuturo kung sino ang actress-politician na pinapaksa nito. Bigay na bigay na naman kasi ang mga clue, na lantaran na rin namang pinag-uusapan ng mga kasamahan sa panulat.
Walang iba kundi si Aiko Melendez ang tinutumbok ng usapin, na diumano’y todo-suporta sa kandidatura ni Alfred Vargas sa pagkakonsehal sa Quezon City noong kasagsagan ng pangangampanya, gayong hindi naman sila kabilang sa iisang partido.
Katuwiran daw ni Aiko, bilib siya sa kakayahan ni Alfred who, as we all know, won a seat in the city council. Pero may mas malalim pa raw na dahilan sa likod ng suportang ‘yon ni Aiko sa aktor: Paraan daw ‘yon ng aktres-pulitiko upang harangin ang napipintong pagkapanalo ni Ara Mina.
Hindi pa man naisusulat, aware na pala si Aiko sa intrigang ‘yon. “’Yung isyu sa amin ni Ara, ang tagal na nu’n. Hanggang eleksiyon pa ba? Ayoko na lang patulan para hindi na lumaki,” sey ni Aiko na excited muli sa kanyang pagbabalik-showbiz.
POINT OF REENTRY nga ni Aiko ang “plus one” episode ng itinuturing niyang best friend na si Ruffa Gutierrez sa 5 Star Specials which airs on TV5 tonight, the so-called Trio Tagapayo. Role na isang laidback (read: manang) woman ang ginagampanan ni Aiko, habang sosyalera naman si Ruffa. Both are neighbors squabbling over a common love interest, Jon Avila.
Having focused her energies on the recent elections, hindi ba nanibago si Aiko? “Actually, ang tawag du’n, eh, sobra akong ma-excite. Feeling ko nga, hinintay lang nilang matapos ang elections, dahil alam ng staff that Ruffa and I get along very well. Our friendship goes a long way,” sey ni Aiko.
BAGAMA’T SA TAONG 2013 pa ang susunod na eleksiyon, two time also-ran (read: talunan) councilor-wannabe Arnel Ignacio, may balak daw muling tumakbo?
At bagama’t ding it’s anybody’s right to pursue whatever field of endeavor na gusto niyang pasukin, unsolicited advice: Arnel should rethink his political decision. Hindi dahil may kapaniwalaan na “it all comes in threes,” kundi nakakadalawang sablay na siya, history might repeat itself. Besides, mukhang Arnel makes a good campaign manager, tumulong na lang siya sa kandidatura ng mga tatakbo.
Nito nga raw bago mag-eleksiyon ay nagpahula si Arnel, he inquired about his chances of making it to the Quezon City Council. Kaso, nairita raw siya sa manghuhula, dahil tinapat siya nitong matatalo siya!
Kailangan pa bang hulaan? Charos!
BLIND ITEM: Nagkaboypren, nagbuntis hanggang makapanganak ang isang sexy actress, pero kung bakit nananatiling merong news blackout sa kanyang kalagayan (when she should be proud of her motherhood), ewan kung ang mga taong nasa paligid niya (with loose moral values?) ang dapat sisihin. Mareng Ogie Diaz, pag-aksayahan mong basahin ang kuwento ko sa Biyernes, ha?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III