NAKAPAPAGOD NGA naman na from doing movies, isasabak ka kaagad sa isang teleserye na halos four to five times a week ang taping na puyatan. Pero walang angal si Enchong Dee kung saan, halos sunud-sunod ang mga project niya sa Kapamilya Network at Star Cinema.
Kaya nga sa pagtatapos ng kanyang teleseryeng Muling Bukas ang Puso, naka-schedule na si Enchong sa bakasyon grande niya with his family in Beijing and Mongolia.
In between work, prayoridad ng aktor ang family niya. Ito ang isa sa nasa top list niya (at hindi ang lovelife, huh), kung saan kapag may time ay bumabawi siya sa kanila.
Sa sobrang kabisihan niya, there are times na ang Sunday niya na supposed to be ay “family day”, napupunta pa sa trabaho like ASAP at mall and out of town shows.
Happy si Enchong kahit zero ang kanyang lovelife. Maganda naman daw kasi ang takbo ng kanyang showbiz career at masaya ang pamilya niya. Dahan-dahan, naisasakatuparan na rin niya ang kanyang mga pangarap.Ito ngang bakasyon nila ng pamilya at ang biggest investment niya nang magpatayo siya ng isang four level building na gagawin niyang puwesto pang-negosyo.
Biro nga ng publicist ng DreamScape na si EJ Salut: “Pumapantay sa Trinoma.”
Sabi ng aktor, “Kahit papaano, magiging maluwag na ako. Konti na lang ang babayaran (sa bank).”
Sa kanyang teleserye with Julia Montes at Enrique Gil, naging kuntento siya kahit ang role niya ay nauwi bilang isang kontrabida. “Okey lang para may variety sa character. Sabi ni Uge (Eugene Domingo), bilang isang artista, dapat parang buffet na maraming choices. From bida to kontrabida. From lead to some character roles.”
Sa kanyang teleserye, isang malaking bagay na nakasama niya si Christopher de Leon. Idol kasi niya ang aktor na para sa kanya, hindi lahat ng mga artista sa showbiz ay nagkakaroon ng chance na makasama ang mga kasing kalibre ni Boyet.
“After Muling Buksan ang Puso, rest muna aka. Babawi muna ako ng pahinga at sa famliy ko,” sabi ni Enchong.
He’ll give way muna sa ibang male leads ng Star Magic para magkaroon naman daw ng chance. “Ang dami namin. I also want to share to them the experience na maging bida at ‘yong importance na ibinibigay ng ABS-CBN at DreamScape sa kanilang mga artista.”
After his vacation, gagawa muna siya ng movie sa Star Cinema at isa pang teleserye next year para sa Kapamilya Network.
NAKATATLONG EPISODE na ang Showbiz Police na hindi namin ma-timing-an dahil alanganin ang oras ng palabas, lalo pa’t on a weekend ay it’s either may appointment kami or nasa mall para sa aming movie day.
Last Saturday, nasagip ko rin ang Showbiz Police dahil nag-uulan at tinamad akong lumabas kaya had the chance to watch Cristy Fermin, Congresswoman Lucy Torres at Direk Joey Reyes on television.
Kakatuwa na may isinasalang silang ‘The Who” (read: Nameless Co-Host) sa segment kung saan nilamon nina Divine Lee at MJ Marfori ang kawawang beginner na super chaka ang parang floral outfit na suot nito na tuloy nagmukha siyang kurtina na hindi man lang napansin ang hinahangad na exposure.
As usual, oks ang prim ang proper na si Ms. Lucy sa kanyang segment pero parang may lamlam si Direk Joey sa kanyang opinion on showbiz celebrities in Social Media na ini-expect namin na mas maanghang.
Si Raymond Gutierrez on his one-on-one interview with Jasmine Curtis-Smith ay walang bago. ‘Yong tanong niya sa Cine Malaya Best Supporting Actress ay luma’t gasgas na. Napagpistahan na ng showbiz writers ‘yun.
Kung ako sa creative team ng Showbiz Police, ang dapat kay Raymond ay mag-field work. Mag-explore ng mga istorya na kakaiba and out of the box. Feeling ko, pilit na isinaksak lang siya ni Wilma Galvante sa show para masabi na may show ang kapatid nina Ruffa at Richard.
Pang pabawi ng 3rd episode nila ay ang interview ni Cristy sa anak ni Sen. Jinggoy Estrada na bago at naungusan nila ang ibang showbiz-oriented shows on television tuwing Saturdays.
Over-all, hoping for more improvements sa Showbiz Police lalo pa’t nalagas naman at huling episode na noong Sabado ng SIR (Showbiz Inside Report) sa Kapamilya Network.
Reyted K
By RK VillaCorta