NALOKA AKO KAY Joey de Leon nang pinaglaruan kami ng ina ni Angelica Jones na si Mommy Beth nang mag-guest ang mag-ina sa Startalk nung Sabado.
Kinlaro kasi ng mag-ina ang isyung nagbebenta sila ng tuko dahil alam naman daw nilang bawal ‘yun.
Pero nadulas yata si Mommy Beth na sinabi nitong nakikita raw niya sa likod ng bahay nila na maraming tuko at nagandahan pa raw siya. Pero never daw talaga siyang nagbebenta nu’n dahil bawal nga.
Pati ang isyu sa mga tauhan nilang hindi nababayaran ay sinagot na rin nito at paninira lang daw ‘yun.
Duda nila, may isang maimpluwensyang pulitiko raw ang may kagagawan nito para siraan lang si Angelica.
Nilinaw rin nila na wala raw silang balak na idemanda ako nang sinulat ko ang isyung nagbebenta nga ito ng tuko.
At least nagkaharap kami du’n sa Startalk at nagkalinawan.
Nagpasalamat naman ang mag-ina dahil binigyan sila nang pagkakataong sagutin ang mga isyung ibinato sa kanila. Huling pagkakataon na raw ‘yun na sagutin nila ang mga isyu at sana matahimik na raw ang buhay ni Angelica.
Nagkaroon nga ng privilege speech si Angelica sa isang session nilang mga bokal at nilinaw rin niya ang isyung ‘yun.
Pero ewan ko lang kung matatahimik na iyan dahil ang dami pang mga naglabasang kuwento laban sa kanila. Ang dami pa nilang lalabasan na interview tiyak iyan!
NAGSALITA SI IWA Moto nang na-interview ito ng Startalk via phone patch dahil nasa Osaka, Japan pa siya.
Hindi siya nagkomento tungkol sa napabalitang buntis ang girlfriend ngayon ng ex-boyfriend niyang si Mickey Ablan na si Janna Dominguez.
Pero may hirit ang Iwa na kung totoong buntis nga ito, maaaring manahimik na raw si Mickey at hindi na siya tatawagan uli.
Ikinuwento nga ni Iwa na nag-message daw si Mickey sa kanyang Twitter account na gusto nitong makipagbalikan.
Pero umabot daw sila sa pagtatalo dahil gusto na nga raw ni Iwa na manahimik kaya nagtagal siya roon sa Japan, tapos ngayon gusto pang makipagbalikan.
Ang sabi ni Iwa sa Startalk, respeto na lang daw kay Janna, hindi na niya in-entertain ang mga pangungulit ni Mickey sa kanya.
Pagbalik daw niya rito ay may aayusin daw siya tungkol sa relasyon nila ni Mickey para tuluyan nang maisara ang kanilang relasyon.
Malakas nga ang kutob naming malamang ‘yung kasal nila ang aayusin nito.
Kung totoong kasal nga sila ni Mickey noon pa, dapat ngang ayusin na nila ang annulment dahil malaking isyu ito sa relasyon nina Mickey at Janna, lalo na kung buntis nga ito.
Dapat ngang ayusin na nila ito ni Iwa para tapos na talaga ang relasyon nilang dalawa.
Pero mahaba-habang proseso iyan, kaya good luck na lang, ‘day!
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis