ISANG malaking event ang magaganap sa Huwebes, Sept. 12, bilang kick-off sa 3rd Pista ng Pelikulang at selebrasyon ng ika-100 taon ng Philippine Cinema.
Ayon sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) head na si Liza Diño handa na ang kanilang ahensya para sa selebrasyon na tinawag na Sine Sandaan na gaganapin sa New Frontier Theater, Araneta Center, Cubao, Quezon City.
Sa naturang event ay 300 luminaries ang bibigyan ng pagkilala bilang pasasalamat sa kanilang kontribusyon sa Philippine cinema.
“Meron tayong chauffeured limo na magbababa sa kanila from Novotel. Merong two hours na red carpet ceremonies just to, you know, really get everyone dressed up and enjoy again ang dating heydays ng Philippine Cinema, na nakabihis lahat.
“Para siyang Oscars. And then we have a cocktail reception where they get to, you know, get together. Iyong mga hindi ninyo nakikita sa industriya, darating. Talagang ibabalik natin iyong mga nagpakinang sa industriya na may not be with us now as active, but has really given so much,” pahayag ni Chair Liza.
Makakatuwang ng FDCP ang ABS-CBN (represented by Direk Olive Lamasan at Cory Vidanes) para sa airing ng Sine Sandaan.
“This is a once in a lifetime opportunity. Hindi na natin maaabutan ang isa pang 100 Years celebration, and I don’t know if we’ll be alive pa in the next 100 years. So, this is the one night that we can celebrate together,” dagdag pa ni Liza.
La Boka
by Leo Bukas