Pagkatapos sumailalim ni Ejay Falcon sa basic Citizen Military Training (CMT) training under the Air Force Reserve Command of the Philippine Air Force ay naging isa na siyang ganap na army reservist.
Ayon sa bida ng Sandugo, matagal na niyang planong mag-volunteer sa army.
“Taong 2015 pa noong gumawa kami ni Coco (Martin) ng MMK (Maalaala Mo Kaya), ‘yung SAF 44? Nag-train ako sa kanila, sa PNPA, 2 days or 3 days yata ako ro’n na naka-lock in.
“Nung na-experience ko ‘yung buhay nila, sabi ko, gusto ko talagang maging sundalo, gusto kong maging pulis. Pero that time, wala pang mga ganyan, wala pang mga reservist, pinost ko lang siya,” kuwento ni Ejay sa amin.
Airman ang rank ni Ejay ngayon na katumbas ng private kaya ang tawag sa kanya ay Airman Ejay Falcon.
Ilan sa mga personalidad na katulad din niyang reservist ay sina Vilma Santos, Senators Ralf Recto, Loren Legarda, Secretary Mark Villar at ang yumaong akres na si Isabel Granada.
Kumusta naman ang naging experience niya sa training ng Philippine Air Force?
“Mahirap po, but very fulfilling knowing that what I’m doing will capacitate me to be better-skilled citizen who can respond to disaster, calamities and national emergencies. Nag-undergo po ako ng basic Citizen Military Training which is equivalent to 30 training days,” sagot ng aktor.
Eh, ano ba ang nag-motivate sa kanya na maging reservist?
“Gusto ko lang po makatulong sa bayan, at bilang artista, makakahikayat po ako ng mas maraming mga kababayan natin na mag-volunteer at mag-training bilang reservists.”
Nilinaw din ni Ejay ang isyu na kaya siya nag-reservist ay dahil ito ang trend ngayon na nasimulan ni Mateo Guidicelli?
“Matagal na po ako nakaplano, kasi po may close friend po ako na Air Force reservist na matagal na po akong hinihikayat . Early this year po, nilatag na po namin ang training sessions dahil busy din po sa trabaho. Awa ng Diyos, natapos naman po ang training,” lahad pa ng aktor.
La Boka
by Leo Bukas