Para sa kanyang 30th showbiz anniversary: NYC Chairperson Aiza Seguerra, nag-mini show sa mga bakwet

Aiza Seguerra, nagpasaya ng mga bakwet

SHOWBIZ ANNIVERSARY ni Aiza Seguerra sa showbiz last weekend.

 
Imbes na i-celebrate ito with a big show or concert tulad ng 25th year celebration niya, mas ninais ni Aiza na makasama ang mga bakwet ng Marawi sa kanyang ika-30th aniberaryo bilang isang artista-singer.
 
As National Youth Commission (NYC) Chairperson, nagkaroon ng free show si Aiza sa mga bakwet last Saturday sa mga binisita niyang mga evacuation centers tulad sa Iligan City at sa bayan ng Saguiaran in Lanao del Sur.
 
“Pagdating ng panahon, matatapos din ang gulo at magkakaroon ng kapayapaan dito sa Mindanao basta patuloy lang tayong magkaisa,” pahayag ni NYC Chair Aiza sa mga kabataan at pamilyang bakwet.


 
Ang naturang pagbisita niya was coordinated by the ARMM’s Office on the Bangsamoro Youth Affairs (OBYA-ARMM).
 
Noong Saturday din ay binisita niya ang ilang mga evacuation centers in Lanao del Norte.
 
Sa short messenger chat naming last night ni Aiza ay madami siyang kuwento na gusto i-share sa mga mambabasa natin.
 
After ng interaction ni NYC Chair Aiza sa mga kabataang bakwet, napag-alaman niya:

 “Yung mga grade school and high school nakaka-eskwela sa malapit sa evac(ation) centers. College ang natigil. May mga ibang nabigyan ng school supplies pero meron ding ibang wala.
“Yung mga young professionals natin naman, displaced dahil walang trabaho. Most of them bread winners.”


 
Pagpapatuloy niya: “Isang malaking problem is discrimination din.”
 
Discrimination because of what?
Kuwento niya: ”Yung mga na bakwitan (location ng mga evacuation centers) nila is predominantly Christian na eh. May iba daw na kapag nalamang Maranao yung mag-rent ng house, hindi nila ina-allow.
Dagdag niya: “ Pag group of Muslim youth magkakasama, sasabihan na mga terorista,: kuwento niya.
 
“We had a dialogue with them to know the needs tapos we will be working closely with Office of Bangsamoro Youth Affairs ng ARMM to come up with the youth lens on the rehab plans ng government.
 
“To have a better understanding of the situation. Maintindihan natin ang kanilang kultura. Kasi minsan dun nagsisimula yung gulo, “pagtatapos niya.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleStill Unkabogable: Concert ni Vice Ganda last Sunday sa Japan, dinumog!
Next articlePelikula nina Nora Aunor at Barbie Forteza, nag-back out sa Pista ng Pelikulang Pilipino!

No posts to display