KUNG WALA sa showbiz si Kim Chiu at nangangailangan ang kanyang pamilya, hindi raw siya magdadalawang-isip na maging ghost bride.
Willing siyang magpakasal sa patay para maiahon sa kahirapan ang pamilya niya kung ito lang daw ang paraan.
Inamin din niya na may kamag-anak siya na naging ghost Bride. Patay na raw ito pero rich pa rin ang kanyang mga naulila.
Ang ghost bride ay tradisyon at matandang paniniwala ng mga Chinese na kung saan ay ikinakasal ang isang babae sa taong patay na katumbas ng malaking halaga.
“Lahat ng ginagawa ng isang asawa kailangang magampanan mo bilang ghost bride, pati na rin sa kanyang pamilya. Kailangan lahat ng okasyon nandoon ka sa kanila, kailangan araw-araw dadalawin mo siya sa libingan niya at mag-aalay ka ng kung anu-ano,” kuwento pa ni Kim.
WATCH THE OFFICIAL TRAILER OF THE GHOST BRIDE:
Anyway, mananakot siya sa Nov 1 dahil showing na ang “Ghost Bride”. Kasama sa pelikula sina Matteo Guidicelli, Christian Babbles, Alice Dixon, Ina Raymundo, Robert Sena, Beverly Salviejo, Mon Confiado, Kakai Bautista, Isay Avarez,Nanding Josef, Victor Silayan at Jerome Ponce. Ito ay sa direksyon ni Chito S. Rono.
Pagdating naman sa telebisyon ay patuloy pa rin ang pag-arangkada ng morning series na “Ikaw Lang Ang Iibigin” nila ni Gerald Anderson.
‘Yan Tayo,eh!
By Roldan Castro