Para sa mga Manggagawa ng Pelikula at Telebisyon: Film Industry Summit ng FDCP, bukas na!

Liza Dino

BILIB KAMI kay FDCP Chairperson Liza Dino na matapos ng Pista ng Pelikulang Pilipino, ito namang Film Industry Summit ang pinagtutuunan niya ng pansin na magganap bukas at sa Huwebes.

 
Sa kanyang SocMed (social media) na panawagan para sa mga manggagawa sa film industry, narito ang pahayag niya sa kahalagahan ng pagpupulong:
 
“I can’t stress enough how important it is for our film workers to attend this very important event. Bago pa man ako pumasok sa FDCP, malaking issue na para sa mga manggagawa ng pelikula ang mga usapin tungkol sa working conditions natin lalo na pag nasa set—–ang oras ng production na inaabot more than 24 hours, ang kawalan ng set minimum wage para sa atin lalo na sa mga crew, ang maling pagtrato sa mga extras at background talents, kawalan ng access sa mga benepisyo tulad ng SSS, Philhealth at Pag-ibig, maayos na tax bracket para sa ibat ibang range ng salaries natin at higit sa lahat, ang pagkilala sa atin bilang isang PROFESSIONAL SECTOR. Yan at marami pang usapin ang tatalakayin bukas sa ating summit.
 
“Ang pagtitipong ito ay hindi para sa FDCP. Ito po ay para sa ating mga manggagawa at ang tagumpay po nito ay nakasasalay sa pakikiisa ninyo. FDCP is the neutral ground where we can talk about these issues dahil bilang isang government agency malaki ang maitutulong namin upang makagawa ng mga polisiya at magrecommend ng mga batas upang mabigyan ng seguridad ang inyong kapakanan.”
 
Sa pagpapatuloy niya: “On my second year in FDCP, nag-uumpisa na po kaming gumawa ng mga policies na mangangalaga sa kapakanan ng di lamang mga mangagawa kungdi ng buong industriya. Gusto po naming kasama kayo sa proseso. Gusto po naming kasama kayo sa pagdraft ng mga batas na angkop sa pangangailangan ng ating industriya dahil hindi po karaniwan ang klase ng trabaho natin. Tulungan nyo po kaming tulungan kayo.
 
Wag na po nating hintaying may mamatay pa ulit na direktor, or kasamahan sa trabaho bago tayo kumilos. This is everyone’s concern at lahat po tayo, MAY BOSES sa summit na ito —-Mapa-aktor, direktor, production assistant, makeup artist, gaffers, technical workers, scriptwriter, cinematographer, utility, sound recordist, etc etc. tayo pong lahat ay makikiambag at bibigyan ng pagkakataong mapakinggan.
 
Liza Dino with industry supporters
 
“Kaya bukas, Aug 30 sana po magkita-kita tayo sa FILM WORKERS SUMMIT sa UP film center 9am- 6pm, free admission po with snacks and lunch provided.
 
“Usap po tayo para sa ikauunlad ng ating industriya! Sama-sama po nating hanapan ng solusyon ang ating mga hinaing at concerns. All you need to do is email [email protected] to register with your name and nature of work,” panawagan ni FDCP Chair Liza.
 
Dagdag pa niya: “May separate press briefing after summit. We would like sana na closed door bukas habang nagforum kasi mga sensitive ang issues na pag-uusapan. Especially pagdating sa problema sa working conditions. We want to make them feel na its safe to share their stories na hindi sila mapapahamak,” pagtatapos ng mensahe ni FDCP Chair Liza.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleBAR BOYS, legit barkada movie na may katuturan
Next articleHINDI NA ITINATAGO: Joshua Garcia at Julia Barretto, buking na!

No posts to display