BONGGA ang kaganapan ngayong month ng March para sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pamumuno ni Chairman Liza Dino dahil sa gaganapin na Sinag Maynila 2018 Fim Festival na magsisimula this Friday, March 9.
Bilang bahagi ng kanilang programa na suportahan ang mga lokal na film festivals, nakikiisa ang opisina ni Chairman Liza sa Solar Entertainment Corporation para sa naturang filmfest na magpapalabas ng kanilang mga pelikula sa Cine Lokal starting this Friday at magdadaos ng FDCP Film Talks sa Sinag Maynila events.
Exciting ang line-up ng mga pelikula para sa Sinag Maynila filmfest tulad ng Abdonimation ni Direk Yam Laranas, Bomba ni Direk Ralston Jover, El Peste ni Direk Richard Somes, Melodrama/Random/Melbourne! ni Direk Matthew Victor Pastor at Tale of the Lost Boys ni Direk Joselito Altarejos.
“Cine Lokal aims to be a venue for quality films to be made available to Filipino audience and by supporting Sinag Maynila, these creative and meaningful films will have a home and will be watched by not just film enthusiasts, but the general public,” sabi ni FDCP Chair Liza Dino.
Aside from the films na ipapalabas ay ang FDCP Film Talks @ Sinag Maynila sa Marso 10, 2018 sa SM North Edsa Cinema 3 na magsisimula ng 1 ng hapon.
Isa itong libreng forum para sa mga discusssions kung paano maitatampok ang iyong pelikula sa International film festivals at madistribute sa ibang bansa.
Kabilang sa magiging panelist sa naturang forum ay sina Jeremy Segay, Korea and South East Asia Representative ng Unifrance; Takeo Hisamatsu, Festival Director ng Tokyo International Film Festival at ang co-founder ng Sinag Manila na si Brillante Mendoza.
Ang Sinag Maynila Film Festival entries ay mapapanood sa mga Cine Lokal Theaters sa Metro Manila from March 9 to 18, 2018.For more information, check-out FDCP’s social media platforms.
Reyted K
By RK Villacorta