PARA SA TATAY: Angel Locsin, aminadong dalawang taon lang dapat sa showbiz

SI ANGEL LOCSIN ang isa sa well-loved celebrities sa bansa. Mula sa pagiging prime star ng GMA hanggang sa lumipad ito patungo sa bakuran ng Dos, constant ang praises sa kanya.

Alam niyo ba na initially pala ay pumasok lang si Angel Locsin sa showbiz para makapag-ipon ng pera para sa operasyon ng kanyang ama?

Angel Locsin

Ito ang rebelasyon ni Angel sa kanyang guesting sa podcast ni Matteo Guidicelli.

“Dapat two years lang ako sa showbiz, yun lang kasi ang deadline ko noon. Mag-iipon lang ako tapos ipapa-opera ko yung tatay ko. Tapos, noong naka-ipon na ako ng mga 75%, sinabi sa amin ng doctor na hindi na pwede. Ngayon, 94 na si Daddy pero noong time na yun, mga 80 plus na si Daddy,” kuwento ni Angel.

Habang tumatagal ay narealize ni Angel na nae-enjoy na niya ang mga acting at modeling gigs niya, pero hindi niya akalain na tatagal siya sa showbiz.

“Medyo na-lost ako, wala akong purpose. Hindi ako alam kung anong gagawin. And then, na-challenge ako. Hindi ko alam kung naranasan mo yung minsan may bullying or discrimination. Na-challenge lang ako na, ‘Okay, ipapakita ko na kaya ko. Tanggap lang ako nang tanggap ng trabaho,” pag-amin niya.

Masasabi na ang pagganap niya bilang Alwina sa Mulawin ang turning point sa karera ni Angel. Dito rin niya nakilala si Amy Austria, na gumanap bilang ina niya sa fantaserye.

Angel Locsin as Alwina in Mulawin

“Na-impress ako sa passion nila. Si Tita Amy Austria, siya yung unang napanood ko na, ‘Nay, bakit ka umiiyak eh VO lang ito.’ ‘Kasi anak, maririnig ng tao yung emosyon mo, so dapat iiyak mo rin kung kailangan umiyak ka,”

“Noog time na yun, hindi ko naiintindihan, kasi hindi ka kita sa camera… doon ko na na-discover yung passion ko rin. Na-curious ako kung paano ginagawa.”

“Ang nagbigay sa akin ng pangalan siguro yung Mulawin with Richard Gutierrez. Hindi pa kasi uso yung mga fantaserye noon yung mga fight scenes, lalo na sa mga babae,” sambit pa niya.

Sa totoo lang, para sa amin, ang mga programa tulad ng Mulawin, Darna at Majika na ginawa niya sa GMA ang tumatak sa amin. Magaling din naman ang kanyang performance sa Lobo, The Legal Wife at The General’s Daughter sa ABS-CBN.

Miss na namin sa big screen si Angel, pero nakapokus muna ito sa kanyang upcoming wedding with Neil Arce.

Previous articleCoco Martin at Julia Montes nasa Pola, Oriental Mindoro para magsyuting ng pelikula
Next articlePia Wurtzbach, Megan Young, Kylie Verzosa at Angelia Ong nag-ala Temptation Island para sa isang magazine sa Vietnam

No posts to display