Keri kaya ng 2016 Metro Manila Film Festival na maibalik ang interes ng publiko na panoorin ang Parada ng mga Artista sa darating na December 23 (Friday)? Marami kasi ang nadismaya sa mga tagatangkilik ng festival tuwing araw ng Pasko sa mga kaguluhan na nangyari sa early part ng December, dahil ang crowd favorites tulad ng “Mano Po” ng Regal, “Enteng Kabisote” ni Bossing Vic Sotto, “The Strict Parental Guardians” nina Vice Ganda at Coco Martin (na humahataw pa rin sa takilya), at Mang Kepweng ni Vhong Navarro ay hindi napili. Aabangan kaya nila ang parada gayong isang working day ang schedule ng parada sa araw na ito?
Originally, sa may bandang MOA complex ang simula ng parade na binabaybay ng iba’t ibang filmfest entries ang kahabaan ng Roxas Boulevard papuntang Quirino Grandstand sa Luneta.
Pero sa sinasabing “change” na gustong i-impose ng mga tao sa likod ng MMFF, ang magiging ruta ngayon ay mula sa Quirino Grandstand, babaybayin ng mga float ang Chinatown patungong Plaza Miranda sa Quiapo.
Ewan ko kung magkakasya ang paandar ni Mayor Erap Estrada sa parada na magaganap, gayong on a regular Friday, alam naman niya na ang Plaza Miranda ay puuum-puno ng mga mananampalataya sa Mahal na Señor Nazareno na hindi na nga magkasya ang mga tao sa loob ng simbahan ng Quiapo kaya nag-o-overflow ang mga nagsisimba sa Plaza Miranda na extended hanggang sa kalye sa harap ng simbahan patungong Quinta Market.
From an insider, mas maliit daw ngayon ang gagamiting truck for the float. 6×6 ang truck na gagamitin. As in ang sukat ay 12 feet lang from the grounds. No extension. Ang sides ng truck ay hindi puwedeng ma-extend kung gusto man ng film producers na pagandahin ang kanilang floats para sa parada.
“Walang pasiklab na float na hindi tulad dati na sa float pa lang ng walong mga entries, labanan na,” kuwento ng source namin.
“Maliliit daw kasi ang mga kalye ng Manila kaya mahihirapan ang mga float na mag-maniobra in case makapasok sa maliliit na kalye. Ang Avenida Rizal, nakatayo ang poste ng MRT kaya papaano mo padaraanin ang float na super bongga? Ang pasiklab sa stage (Plaza Miranda) after the parade ay iha-handle ng Viva Television,” dagdag ng impormante sa amim.
Ang nakaloloka, sa dami ng mga tao na tuwing Friday na pumupunta sa Quiapo para magdasal at sa dami ng street vendors sa Plaza Miranda at adjacent streets within Plaza Miranda, dagdagan pa ng paandar ng MMFF, nilamutak na chopsuey ang kalalabasan n’yan.
I’m sure, maiimbiyerna ang mga nagsisimba sa Nazareno nito ‘pag nagkataon. Makikikipagsabayan ang sermon ng pari na nagmimisa sa loob ng simbahan sa paandar naman sa entablado ng MMFF, na bukod sa ingay na lumalabas sa sound system nila ay nakadi-distract ito sa mga nagsisimba.
Sa darating na Biyernes, abangan ang mga artista ng mga pelikulang entries sa parade tulad nina Julia Barretto together with Joshua Garcia and Ronnie Alonte for Star Cinema’s “Vince&Kath&James”; Eugene Domingo, Jericho Rosales, Khalil Ramos, Cai Cortez, and Kean Cipriano for “Ang Babae sa Septic Tank 2”; Dominic Roque, JR Versales, John Vic de Guzman, Phobe (ang batang si Rhed Bustamante (playing the mala-Sto. Niño na lumuluha ng dugo, and Ronnie Alonte (2 entries siya) ng nag-iisang horror movie sa filmfest na “Seklusyon; Irma Adlawan, Biboy Ramirez, Mercedes Cabral, at Sandinio Martin para sa pelikulang “Oro”; Paolo Ballesteros for “Die Beautiful”, na tila ito ang mag-uuwi ng Best Actor trophy; ang pelikula ni Nora Aunor; ang entry na bida si Rhian Ramos, at ang isang documentary na sa trailer pa lang ay gusto ko na about the OFW’s in Hong Kong na “Sunday Beauty Queen” na dinirek ni Babyruth Villarama-Gutierrez na gusto kong suportan in honor of our kababayan na nagpapakahirap magtrabaho sa abroad para kumita para sa pamilya nila (panoorin natin ito) at ang walang short films.
Ang awards night ay magaganap ss January 8, 2017.
Reyted K
By RK VillaCorta