SIMULA pa lang ng 2021 ay may magandang pasabog na agad ang VIVAMAX, ang one-stop entertainment hub para sa bawat Pilipino, dahil magsisimula na ang kanilang first Vivamax Original Series, PARANG KAYO PERO HINDI na pinagbibidahan nina Marco Gumabao, Kylie Verzosa and Xian Lim. Ang series na ito ay mula sa direksyon ni RC Delos Reyes, direktor ng Love the Way U Lie and Alter me.
Hango sa bestselling book ni Noreen Capili a.k.a. Noringai, na siya ring writer ng series na ito, ang PARANG KAYO PERO HINDI ay kwento ni Joaquin (Xian Lim) at Daphne (Kylie Verzosa) na naging malapit sa isa’t-isa pagkatapos magkakilala sa Pangasinan.
Ramdam nila na meron silang “connection”, ngunit pareho pa silang hindi handang pumasok sa isang relasyon. Kaya naman nag-desisyon sila na sumunod lang sa agos at tingan kung saan sila dadalhin ng kanilang “pagkakaibigan”. Masaya lang ang kanilang relasyon, hanggang sa tuluyang mahulog si Joaquin kay Daphne.
Ngunit ayaw ni Daphne na masira ang kung anumang meron sila, kaya tinanggihan niya si Joaquin. At mas naging komplikado pa ang sitwasyon nang bumalik ang ex-boyfriend ni Daphne na si Robi (Marco Gumabao) para suyuin siyang bumalik sa kanya.
Mapupuno si Joaquin at Daphne ng mga tanong at alinlangan habang inaalam nila kung ano nga bang relasyon ang meron sila at kung ano ang tunay nilang nararamdaman.
Kasama ng main cast para sa kauna-unahang Vivamax Original Series na ito sina Phoebe Walker, Danita Paner, Francine Garcia, Gino Roque, Guji Lorenzana, CJ Jaravata at si Ms. Yayo Aguila na gaganap bilang ina ni Joaquin.
Ipapakilala din ng VIVA sa series na ito ang kanilang mga fresh talent na sina Krissha Viaje, Stacey Gabriel at Thayfa Yousef.
Ang mga eksena sa series na ito ay kinunan sa iba’t ibang lugar at mga beach sa Alaminos at Bolinao, Pangasinan kaya naman meron itong cool at local vibe na siya ring nagpapaganda sa bawat eksena.
Mararamdaman din ang feels at hugot sa mga official soundtrack ng series na inawit ng iba’t ibang artists at banda. Kasama sa series ang mga kantang Ulap ni Rob Deniel; Nag-iisang Muli ng Cup of Joe; Glances ni Sabu; Umibig Muli ni Janine Teñoso, at ang kantang Parang Kayo Pero Hindi ni Marion Aunor.
Ipapalabas na ang kauna-unahanang Vivamax Original Series PARANG KAYO PERO HINDI ngayong ika-12 ng Pebrero sa VIVAMAX. Ang VIVAMAX ay pwede nang madownload sa Pilipinas sa Google Play Store.
Sa halagang P149, mapapanood mo na lahat! Maaari mong mapanood ang mga pelikulang Pinoy, TV series, dokumentaryo, music specials at higit sa lahat, ang Vivamax Originals.
Mag-download na ng VIVAMAX app ngayon, mag-register, at mag-subscribe. Maaari kang magbayad sa pamamagitan ng GCash, credit card o sa pinakamalapit na EC Pay outlets. Maaari mo ring mapanood ang series na ito sa www.vivamax.net.