BLIND ITEM: IPINAGPAPALAGAY na back to his “vice ganda” ang isang mahusay na aktor. No, wala pong kinalaman ang tatawagin kong Blockbuster Cross-dresser na si Vice Ganda sa tsikang ito.
Noon pa napapabalitang hooked on drugs ang aktor na ito, and with his strange behavior these days, ang tanong: is he back to his vice na ganda-tama? At least one encounter with a TV program staff just recently may prove this slightly obvious sign.
Commercial break ‘yon, nasa studio ang aktor at naghihintay na maisalang sa kanyang live guesting sa isang segment. Patalastas ng isang produkto ng ketchup ang binabaran ng atensiyon ng aktor, sabay lapit sa staff ng show.
Buong akala ng nilapitang staff ay tatanungin siya ng aktor kung pagkatapos ng commercial gap ay iuupo na siya. ‘Excuse me,” magalang namang approach ng aktor, “puwede po bang magtanong?” tumango ang staff. Hirit ng aktor, “Saan po ba gawa ang ketchup?” Sandaling nag-isip ang napagtanungan, pero dahil banana catsup naman ‘yon, natural na “sa saging” ang sinagot nito.
Makulit ang aktor, sabay follow-up: “Eh, bakit po pula ang ketchup? ‘Di po ba dapat dilaw o berde, kasi gawa sa saging ‘yon?” Seryoso ang aktor sa kanyang tono, pero mas naging seryoso ang concern ng TVstaff para sa aktor.
Kuya Dan, alam mo na.
NITONG MARTES NU’NG maispatan naming pakalat-kalat sa talent room ng Studio 1 (sa taping ng Tweetbiz) ng GMA si Shalala, could he be back on the airwaves kasama uli si German Moreno on their DZBB program?
Ilang oras makalipas, nakita na naming magkasama sina Kuya Germs at Shalala, pero exchange of his and hellos lang ang nangyari. Hindi ko naitanong kung namuong muli ang kanilang “bromance” (kadiri ba?). Anyway, kung kilala ko si Shalala, matanawin naman siya ng utang na loob. And if I know Kuya Germs well enough, hindi naman siya matanimin ng sama ng loob.
Cheers to their renewed partnership.
KADALASAN NANG LAGING naiipit sa bangayan ng magkabilang panig ay ang siyang tagapamagitan. But when hell breaks loose between feuding parties, it’s always best to stay cool and impartial.
Ganito ang mahirap, pero naitawid nang matagumpay ni Amy Perez, the go-between sa nagsasalimbayang murahan at sakitan involving neighborhood squabbles from the inane to the insane issues. In fairness, nakare-relate si Aling Tacing sa mga kadramahang hindi pa nakuntentong solusyunan sa barangay, pati national television ay kasamang nakikipamiyesta!
Angkop lang ang Face to Face bilang pamagat ng programa ni Tiyang Amy sa TV5, na kadalasan, sa sobrang silakbo ng mga damdamin ay puwedeng maging Fist to Fist! As an audience, naturalesa na yata sa ating mga Pinoy ang maging “banana catsup”… malinamnam sumawsaw sa buhay ng may buhay.
Regardless what the color of a banana is.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III