Parang pulitiko lang sa pagbibigay ng relief goods
Diether Ocampo, may karay na reporters!

PINUPURI SINA Angel Locsin, Robin Padilla, Mariel Rodriguez, Xian Lim, Philip Younghusband, KC Concepcion, Divine Lee at marami pang iba na celebrity na tumulong sa mga nasalanta ng matinding pagbaha without the benefit of any publicity.

Marami ang talagang humanga sa kanila dahil wala silang bitbit na cameramen nang sila ay namahagi ng relief goods.

Si Divine nga ay may sarili pang priority list ng mga tutulungan and it was indicated kung may buntis, kung may bata, kung saang lugar, kung anong tulong ang kailangan, etc. Napaka-organize pala nitong si Divine Lee.

While many are lauding the efforts of Angel and company, meron namang bu-mabatikos kay Diether Ocampo. Eh, kasi raw, meron pa itong karay na mga reporter nang mamahagi ito ng relief goods. It left a bad taste in the mouth since he defied the essence of helping by bringing reporters to cover his good deeds for publicity.

But we think that Diet is not doing this para magpa-pogi since he is not a politician. Hindi naman siya running for public office so no one can accuse him of positioning himself in the next election.

NAASAR TALAGA si Solenn Heussaff sa insensitivity ng ilan sa kanyang followers sa Twitter.

Nakuha pa kasi ng ilan na pasaringan siya sa gitna ng pagtulong niya sa relief operations na ginagawa para sa nasalanta ng baha.

One follower, seemingly out to incense her, tweeted, “Drink spinach carrot onion juice or pineapple juice ‘n enjoy your workout while the catastrophe’s heading towards there now!”

In exasperation perhaps, Solenn blurted, “Hating and war doesn’t take you anywhere. Stay positive especially in times like this.”

The Kapuso actress feels that “we need wider dam gates. they should have been open a week ago. We need to fight for better infrastructure.”

Sabi pa niya, “foreign companies tried too but too many dirty, corrupt people to deal with in between. Come on!”

Aray ko! ‘Yun na lang daw ang aming nasabi dahil totoo naman ang kanyang binitiwang salita.

Kaya lang, may nagmal-ditang follower at nagtaray kay Solenn.

“Opening dams isnt that simple. u cant jus widely open a dam gate and let all the water flow out. geez. u obviously dunno sht,” say ng follower.

To which Solenn retorted, “U really trying to fight people in times like this? It would have evacuated water little by little at least.help hoe u can.”

WHEN IT comes to courtship ay practical pala itong si Maxene Magalona. She doesn’t believe na kailangang pahirapan pa ang guy sa panliligaw kung gusto na niya ito.

“‘Pag gusto ko, gusto ko, ‘di ko pahihirapan kasi ang point ko ‘pag click kami ‘di na ako magpapaliguy-ligoy pa. If ever magkaroon ako ng bagong boyfriend at mamahalin ko, bakit ko pa siya pahihirapan?” Maxene said in the  gala night  ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break. Maxene is the web jock for the daily updates in Protégé Webisodes which can be seen on www.gmanetwork.com/protege. 

It has been six months nang single si Maxene and she is enjoying her single blessedness to the hilt.

“Ngayon lang ako naging single nang ganito katagal. It’s been six months already that I have been single and it’s the longest in my whole life. Lagi akong may boyfriend so nga-yon ay nag-e-enjoy ako with my time alone.”

But she was quick to admit that she’s dating.

“May mga dating-dating. I’m now going out, meeting people. May mga ka-text din ako. Ang sarap ng feeling na kinikilig.”

More than love life ay excited ang dalaga sa hosting stints niya for Protégé as “it’s very different”.

“Ipinapakita namin ‘yung hindi ipinapakita sa TV, ‘yung behind-the-scenes, kung ano ang nangyayari backstage.”

That makes Maxene’s work a tad easier.

“Parang patawa lang. It’s very casual, very candid. Kung ano ako sa totoong buhay ay ‘yun ang makikita mo rito. Hindi siya formal hosting.”

Being in the business more than half of her life, Maxene has this to say on aspiring talents: “Sinasabi ko sa kanila na hindi madaling mag-artista. Kumbaga, nagbibigay ako ng advice sa kanila as a celebrity kung paano maging artista. Ang gusto lang naming iparating sa mga tao ay ang pag-aartista ay hindi lamang about fame. It’s also about craft, that you have to be passionate about it. kasi kung puro pagpapa-cute lang at gusto mo lang sumikat, kung ‘yan ang habol mo ay walang mangyayari sa ’yo. Dapat mahalin mo kung ano ‘yung ginagawa mo.”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleBasta type ang lalaki
Maxene Magalona, go lang nang go!
Next articleJay-R Siaboc, Handa Na sa Maruming Laro sa Showbiz!

No posts to display