NOONG LUNES, napakinggan ko muli si Korina Sanchez after almost two weeks of absence sa kanyang DZMM radio show.
Sa unang sabak niya, nagkuwento siya nang konti tungkol sa karanasan niya sa Visayas region kung saan namudmod siya ng mga tsinelas sa mga bata na siyang kampanya niya sa kanyang Sunday show sa Kapamilya Network.
During her one hour show, never niyang binanggit ang tungkol sa isyung suspensyon niya sa ABS-CBN dahil sa kanyang maaskad na komentaryo sa CNN news anchor na si Anderson Cooper na ikinagalit ng mamamayang Pinoy na binakbak siya sa social media sa panahon ng resucue and relief operation.
Sa muling pag-ere ng boses niya, wala pa rin akong narinig na pagbabago o may remorse man lang sa ginawa niya na naging dahilan ng negative opinions ng publiko tungkol sa kanya.
Ngayon pa na ginu-groom ang mister niyang si DILG Sec. Mar Roxas na maging Presidente sa 2016, I am sure, ang pagne-nega (negative) niya kay Anderson Cooper ay nakabawas sa “pogi” points ng asawa niya bukod pa roon sa mga sablay na gawa ni Mar sa Tacloban at Samar na tunay namang nakaba-badtrip dahil kahit mga member sila ng cabinet ni PNoy, ang dami rin palang engot sa hanay nila.
PURING-PURI NI Gov. ER Ejercito ang leading lady niya na si KC Concepcion para sa kanyang Metro Manila Film Festival 2013 entry na Shoot to Kill: Boy Golden dahil sa pagiging game nito sa shooting.
Walang kaere-ere kasi si KC nang minsan naming nakita sa set sa may bandang Legarda sa Manila na kahit malamok, game na naghihintay ng kanyang cue mula kay Direk Chito Roño.
Bidang-bida ni Gov. ER si KC dahil ang dalaga mismo ang gumagawa ng kanyang mga eksena.
“Hindi siya napapa-double tulad ng ibang mga artista natin. Siya mismo ang gumagawa ng stunts niya. Pagulungin mo, palundagin mo, malakas ang loob niya,” pagmamalaki ni Gov. ER.
Isang Thai stunt director na pinapunta nila galing Bangkok ang para mag-direk ng mga eksena. Ito rin ang nagtuturo kay KC ng delikadong stunts na noong una ay ayaw ipagawa ni Gov. ER sa dalaga dahil sa risk, pero veryinsistent si KC.
Napanood namin ang trailer na ipinagmalaki ni Gov na kami man nagulat dahil trailer pa lang, ang ganda na na tipong pelikulang Hollywood.
Sa pagiging mabusisi ni Direk Chito (ang ganda ng pelikula niyang Badil na ipinalabas kamakailan) hindi naipalulusot ni Direk ang mga eksenang may sablay.
One nice thing pala kay KC, wala siyang reklamo sa set kahit sa kalaliman ng gabi at malamok kapag sinabi na ni Direk Chito na magte-take na sila, kahit pass midnight na ay muling nabubuhay ang enegry ng dalaga.
WALA PANG malinaw na pampersonal na plano sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Kapaskuhan. Hindi pa rin konkreto kung ano ang gagawin nila this Christmas.
Pero balita ko, Dingdong will spend Christmas sa isa sa mga lokasyon sa Visayas na nasalanta ng Bagyong Yolanda.
Sa katunayan, with his advocacy work, he is building a school classrooms para sa isang area sa Estancia, Iloilo kung saan kagagaling lang niya roon with his co-talents from PPL Entertainment which for me is a nice gesture na ang isang sikat at iniidolo ng kabataan at marami ay handang ibigay ang panahon at kakayahan para i-rebuilt ang buhay ng mga bata (at estudyante) na siyang pangunahing advocacy ng kanyang foundation.
Nakausap namin si Dong during PPL’s Christmas Party for the press at he is interested to do more work at lawakan ang kanyang nasimulan para sa mas nakararami.
SEVEN MONTHS na ang bata na nasa sinapupunan ni Jolina Magdangal at ang mister.
The last time na nakausap namin si Jolens, she was in the early stage ng kanyang pabubuntis (two months palang yata) kaya it was a surprise to hear from her sa update ng kanyang pregnancy.
Nang magpa-ultra sound siya kamakailan, she and her husband learned na isang “baby boy” ang magiging anak nila in the coming to months.
“I want to name him na tipong Brazilian,” pagmamalaki ni Jolens.
Kung tunog Brazilian (inspired by Fabio Ide, Daniel Matsunaga and the boys); hindi pa malinaw kung ano ang ipapangalan niya sa baby.” Basta tipong ganu’n. Brazilian ang peg,” excited na pagmamalaki niya.
Reyted K
By RK VillaCorta