“NAKU, MOTHER, SOBRANG memorable sa akin ang bakasyon ko with my mom, my siblings and my two kids sa Bora last April 18. ‘Eto ‘yung alam mo ‘yung moment na ilang araw kayong magkakasama ng family kumpara sa Manila na sa sobrang busy ko sa QC District 2 as Councilor, eh, saglit lang kaming magkita ng mommy ko, ng mga kapatid ko, ng mga anak ko.
“Kaya hindi ko makakalimutan ‘tong bakasyon namin. Lalo pa, ‘eto ‘yung time na mas nakikilala ng family ko si Pat (Patrick Meneses, ang “special someone” ni Aiko na Vice Mayor sa Bulacan, Bulacan), bonding-bonding din sila.”
Kumusta naman ang relasyon ng mga anak niya ke “Tito Pat?” “Yes, they call him Tito Pat. Okay naman sila. Kasi, si Pat, mahilig talaga sa bata, eh. And you know me, Mother, bago mo ako ligawan, ligawan mo muna ang mga anak ko. And they like Patrick naman, kaya close na close na sila!”
Kasal? “Naku, hindi ko pa iniisip ‘yan. At alam ni Pat na magandang ine-enjoy muna namin what we have right now.”
Nakausap namin si Mommy Elsie, at proud na proud ang kanyang dakilang ina, dahil napagtapos na niya ng Education si Mikki at isa na ngayong itong SPED teacher at si Angelo na isa na ring nurse ngayon.
“Hindi ako tapos ng school, Mother, pero alam mo ‘yung feeling na para na rin akong nakatapos, dahil ang mga kapatid ko, naigapang ko’t nairaos ko rin sa pag-aaral. Importante kasi sa akin ang edukasyon.”
Kaya nga very thankful kay Aiko ang mga kapatid, dahil hindi sila pinababayaan ng kanilang Ate Aiko sa kanilang pag-aaral. “‘Yan lang ang maipamamana namin ng mommy ko sa kanila, buti naman, walang nagluko.”
Eh, ang edukasyon ng mga anak niya?
“In fairness, tumutulong naman ang mga tatay nila sa pag-aaral nila.”
10 years old na si Andrei at si Marthena naman ay 2 years old na.
Parazzi Chikka
by Ogie Diaz