Parazzi hits UK!

TOTOO ANG INYONG nabasa. Simula Nobyembre, ang Pinoy Parazzi ay makakasalamuha na ng UK-based Pinoys sa kanilang lingguhang babasahin. Maghahatid ng local showbiz balita, sizzling at bold, kasama mga human interes kolums at spicy news o tsismis sa paligid-ligid. Tunay naman sa hanay ng mga tabloids, Pinoy Parazzi ang pinakahahanap sa newsstands ngayon. Halos alas-siete pa lang ng umaga, sold out sa maraming outlets. Sa mga showbiz radio shows, pinaka-main source ay balita ng pahayagan. Kudos to publisher Raimund Agapito and his creative at very professional editorial staff.

SAMUT-SAMOT

MARAMING MAMAMAHAYAG NA edad 65 o pataas ay ‘di malilimutan ang isang restoran-bar sa Ermita, Manila. Cinco Litros, pag-aari ni Taboy, dating topnotch singer at musician. Nu’ng dekada ‘70, ang restoran ang pugad ng happy hour ng halos lahat ng mamamahayag. Gabi-gabi rito umaagos ang bari-bariles na beer sa gitna ng ‘di magkamayaw na usapan, sigawan at kasiyahan.

Sa siksikang lugar maa-update ka sa mga balita sa susunod na araw. Kasama ang mga tsismis o semi-tsismis sa gobyerno at maraming matataas at tanyag na personalidad sa bansa. Kaiba ang fraternity ng mamamahayag. May bonds sila na ‘di maipaliwanag. Kahit mababa ang kinikita, importante sa kanila ang maghanap ng balita. Parang isang spiritual calling. O vocation ng mga manggagamot.

Ang pinakamahalagang bagay sa kanila ang tinaguriang “scoop”. Araw-araw sa kanilang mga beats, “scoops”, kanilang pinagpapaguran at pinagpapatayan. Nakakalungkot na wala nang tinatawag na “scoops” sa media propesyon ngayon.  Syndicated news lahat ang ating nasasagap dahil sa IT.

ISA SA MGA mainstays sa tinaguriang “Erap Sunday Club” ng dating Pangulong Erap ay si U.E. Law Dean Amado Valdez.  Bukod sa isang legal luminary at kilalang educator, siya ay top-rated host ng isang Sunday radio-TV talk show. Very principled, generous at tapat na kaibigan, matagal ko na siyang nakapalagayan ng loob kasama ng kanyang butihing may-bahay.

Ang pagkatapat sa isang kaibigian ay isa sa aking pangunahing core values, ayon sa kanya. At ito ay pinatunayan niya sa pagiging tunay na tapat kay Erap. Political enemies ni Erap have been persuading me to abandon him. Ngunit uncompromising ang faith at loyalty ko sa dating Pangulo, lagi niyang diin.

Isang incorrigible bookworm si Dean Valdez. Favorite book haunts niya ay Fully Booked at Book for Less bookstores sa Kamaynilaan. Nahiligan ko ang pagbabasa. It’s a passion. Now I’m busy collecting encyclopedias on gardening, cooking, carpentry. All printed word interests me. My mind is always restless for new knowledge, new discoveries, ayon sa kanya.

Dumating at umalis ang mga kaibigan. Ngunit si Dean Valdez ay isang ‘di aalis na kaibigan. Sa lahat ng oras at panahon.  Sa lahat ng hamon at pangangailangan. Nakakataba ng puso tuwing maiisip ko siya. Mabuhay ka, Dean!

FAST TRACK KO pagpapababa ng aking 270 cholesterol count. Alarming. P’wedeng panggalingan ng bara ng ugat patungong puso. Kailangan ang gamot, diet at regular exercise. Paulit-ulit na advice ni Doc.

Sa mga kasing edad ko, ang pagkikita-kita ay pagtalakay ng health problems kagaya ng pagtaas ng cholesterol, blood sugar, PSA at uric acid. Balitaan din kung sinong kakilala o kaibigan ang may malubhang karamdaman o sumakabilang-buhay. Ay naku, ito yata tinatawag na agos ng pagtanda.

KUMPIRMADO, NAPAGBILI NI Celia, biyuda ng da-ting pangalawang pangulong Doy Laurel ang kanilang Shaw Blvd., residence. Lilipat ang pamilya sa The Fort in Taguig.

Mga historic memorabilias ng dating pangalawang pangulo ay ilalagay sa kanilang resthouse sa San Pedro, Laguna. Sa Nob. 17, mag-iipun-ipon ang dating kaibigan ni Doy sa Shaw residence para sa isang farewell party.

Mahigit anim na taon akong labas-masok sa residence nu’ng ako’y naglilingkod bilang spokesman ni Doy. Maraming alaala.

GRABE ANG TEMPER ng panahon. Isang oras uulan, isang oras aaraw. Wala nang pattern. Para bang nababaliw na ang klima. Dulot ng climate change. Laganap tuloy ang respiratory diseases gaya ng ubo, sipon at lagnat. Prediksyon din na magkakaroon tayo ng wet summer. At wala na ang mga dating excursions at picnics. Pati Santacruzan festival. Ano ang nangyayari sa mundo? Kaawa-awa mga susunod na henerasyon.

KAPANSIN-PANSIN ANG PAGKAWALA ng interes ng publiko sa Southeast Asian Games na ginanap sa Indonesia. Ni walang isang government official ang dumalo. Samantala, napabalita na higit na 60 kongresista ang nanood ng Pacquiao-Marquez fight. Ano ba’ng nangyayari sa ating sports development? Dapat balasahin na ang sports program kung meron man. Alis na mga old political fogies na naka-epoxy sa pamamahala ng Philippine Sports Commission.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleRaket sa LTO; at PNP, takot kay Ecleo
Next articleManok ni chief!

No posts to display