Hinuhubad na nga nina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre ang kanilang sweet at pa-tweetums na image at ibinabalandra na ang hubog ng kanilang mga katawan sa social media, at tila nagpapatalbugan pa, huh!
Well, statement na rin naman ng dalawa sa pinakasikat na young stars ng kasalukuyang henerasyon ang pagtatanggal ng kanilang mga tapis para sa kanilang fans and supporters. Hindi na rin naman sila mga teenager. More mature and more daring roles na ang tatahakin ng kanilang mga karera, if they want to last in this business.
Nasimulan na ni Kathryn ang ‘medyo’ mature role sa box-office hit movie nila ni Daniel Padilla na “Barcelona: A Love Untold”. Habang si Nadine, hindi lang binigyan ng SPG rating ng MTRCB ang love scenes nila ni James Reid sa teleseryeng “Till I Met You” – ‘yung isa sa loob ng kotse, ‘yung isa sa bathtub –, kundi inireklamo pa ito ng ilang televiewers for being inappropriate o unsuitable sa primetime TV.
Now that they flaunt what they have, sino kina Kathryn at Nadine ang bet n’yo in their swimwear?
By Dani Flores