INULAN NA naman ng intriga si KC Concepcion nang mag-pose ito nang sexy sa isang calendar bilang endorsement ng brand ng alak. Hindi na bago sa dalaga ang ganitong klaseng pictorial dahil ilang beses na rin siyang nagpa-pictorial na naka-bathing suit for the cover of glossy magazine. Walang nakikitang masama ang singer/actress kung ginawa niya ang bagay na ito. All support naman si Sharon Cuneta at Francis “Kiko” Pangilinan sa naging desisyon ng kanilang anak na mag-pose ito nang daring sa 2013 calendar ng isang liquor brand.
Nasa tamang edad na naman si KC para gawin ang mga bagay-bagay na alam niyang tama at makatutulong sa kanyang career. Two months preparation pala bago i-shoot ang nasabing calendar. Bago ilabas ang final layout, pina-approve muna ito kina Boss Vic del Rosario at kay KC bago ipa-print. Happy naman ang dalaga sa kinalabasan ng kanyang sexy pictorial.
Kaya lang, pinagko-compare ngayon ang sexy pictorial nina KC at Georginia Wilson na model din ng isa pang liquor brand. May nagsasabing mas sensual at kaakit-akit raw ang katawan ng dyowa ni Borgy Monotoc compared kay KC. Natawa lang ang dalagang anak ng Megastar, “That’s their opinion, I’m not affected because she’s really beautiful and sexy. Nasa tumitingin naman ‘yun, iba-iba tayo ng gusto, ‘di ba?” Say ni KC na napaka-pleasant ng aura nang mga sandaling ‘yun.
Sobrang enjoy si KC sa bakasyon niya sa Paris, hindi rin siya magtatagal sa ‘Pinas at fly uli ang singer-actress sa Europe para ipagpapatuloy ang tungkulin niya sa World Food Programme ng UNICEF. ‘Yung tungkol naman sa suitor niyang French, nakabitin pa sa ere ang pagliligaw nito sa dalaga. Ayaw ni KC na madaliin ang mga bagay-bagay, baka nga naman muli siyang madapa for the second time. Oo nga naman.
NABITIN KAMI sa pagtatapos ng Coffee Prince nina Aljur Abrenica at Kris Bernal last Friday. Aliw kami sa happy ending ng kanilang istorya. Kahit hindi sila mag-dyowa in real life, kitang-kita ang chemistry nila na swak sa manonood. Mayroon silang certain karisma na gustung-gusto ng masa kaya click ang tandem ng dalawa.
Ngayon ko lang napanood sa isang Korean novela si Kris, marunong palang umarte ito. Naibibigay niya ang emotion ng character na kanyang ginagampanan. Mararamdaman mo ang pinanggagalingan kung bakit masaya o malungkot ang role na pino-potray niya.
Sakto lang ang acting ni Aljur kahit may ilang eksena na dapat sana inalalayan ng director pero puwede na. Magaling ang binata sa mga eksena nila ni Kris na natural, walang lang, hindi kailangan umarte. Pero pagdating sa dramatic scene, nahihirapan si Aljur. Kai-langang mag-concentrate sa kanyang acting para lumabas ang pagiging actor.
Alam kaya ni Aljur na marami pa siyang dapat matutunan sa pag-arte ? Kailangan niya ng magaling na mentor na magtuturo ng tamang pag-arte sa harap ng kamera. ‘Yun bang mabibigyang-buhay ang bawat character na kanyang gagampanan. Lahat naman ng bagay ay napag-aaralan kung bibigyan mo ito ng pansin at halaga. Kapag nagawa ito ni Aljur, papalakpakan ka namin at isisigaw, Aljur Abrenica, ikaw na!
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield