NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
Isusumbong ko lang po ang istasyon ng pulis sa Brgy. Tumana, Marikina dahil ang mga pulis doon ay parang araw-araw may party. Nag-iinom po sila at laging lasing. Natatakot na po kami lalo na’t naka-uniform sila at naka-duty. Mga mayayabang po at maiingay. Sana po ay tulungan ninyo kami.
Sana po ay matawag ninyo ang pansin ng mga kinauukulan dahil may isang poste na bumagsak sa isang overpass sa C-3 Road corner A. Bonifacio. Napakadelikado po at inabot na po ng ilang linggo ay nandoon pa rin at wala pang ginagawang aksyon ang mga kinauukulan dito.
Nananawagan lang po kami sa mga kinauukulan na sana’y ipasara ang basketball court dito sa amin sa kadahilanang service road po ito at ginagawang tambayan ng mga addict dito. Dito po ito sa Libis, Baesa, Caloocan City.
Nais ko pong isumbong sa inyo iyong paniningil ng isang guro rito sa Balibago Elementary School sa Sta. Rosa, Laguna. Naniningil ng P200.00 para pambili ng flat-screen TV, P5.00 tuwing Lunes para pampa-xerox daw. At nitong huli ay naniningil ulit ng P200.00 para sa pambayad daw sa panonood ng sine.
Sana po ay matulungan ninyo itong Subic Central School dito sa Subic, Zambales. Dahil sa kakapusan po ng pondo ng eskuwela ay ang mga magulang ng estudyante ang kanilang inoobliga na maglinis ng damo at magtambak ng lupa sa likod ng classroom ng mga bata. Kung hindi makatulong ang magulang ay hihingan ng contribution ang magulang at pinapatandaan nila sa PTA. Kawawa naman po ang mga kapos na magulang.
Ako po ay isang parent ng isang estudyante sa Trece Martires Cavite National High School. Irereklamo ko lang po ang paniningil ng P150.00 para pambili raw ng TV.
Concerned parent lang po ako at gusto ko pong ireklamo ang isang guro sa St. Anthony Elementary School. Nagpapalista po kasi ng “noisy” at kapag napasama sa listahan ang pangalan ay kailangang magbayad ng P5.00. At kung hindi naman makababayad ay may 5 palo ng patpat sa kamay ng bata. Tulungan naman po ninyo ang mga bata. Salamat po.
Irereklamo ko lang po ang principal ng Bulanao Central School sa Bulanao, Tabuk City, Kalinga. Nagpapa-contribute po sila ng P250.00 sa bawat estudyante, from Kinder to Grade 6. Sana po ay matigil na ang contribution.
Gusto ko lang po i-clarify kung totoo bang approved sa Department of Education ang bayarin sa Las Piñas National High School na worth P320.00 bukod pa sa P180.00 na para sa Science daw.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 nn.
Bisitahin ang www.raffytulfoinaction.com at www.facebook.com/raffytulfoinaction para sa official website at Facebook page ng inyong lingkod.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536.
Shooting Range
Raffy Tulfo