MAGANDA ANG salubong sa atin ng taong 2015 dahil sa nilagdaan na Proclamation No. 831 ni Pangulong Benigno Aquino III noong ika-17 ng Hulyo taong 2014 kung saan nakasaad ang 17 public holidays kasama ang walong long weekends. Ibig sabihin lang nito, maraming walang pasok ngayong taon, mapa-estudyante ka man o nagtatrabaho na. Kaya naman panigurado na ngayon pa lang, pinaplano na ng mga bagets ang kanilang getaways kasama ang barkada. At malamang din sa malamang, hinahanda na rin ng mga Tito, Tita, Mommy at Daddy natin ang kanilang mga ipa-file na leaves ngayong taon.
Para sa mga Regular Holidays ngayong bagong taon, ito ang mga sumusunod: New Year’s Day (January 1 – Thursday); Maundy Thursday (April 2); Good Friday (April 3); Araw ng Kagitingan (April 9 – Thursday); Labor Day (May 1 – Friday); Independence Day (June 12 – Friday); National Heroes’ Day (August 31); Bonifacio Day (November 30 – Monday); Christmas Day (December 25 – Friday); and Rizal Day (December 30 – Wednesday).
Para naman sa mga special non-working days. Ang mga kasama rito ay: January 2 (Friday); Chinese New Year (February 19 – Thursday); Black Saturday (April 4); Ninoy Aquino Day (August 21 – Friday); All Saints Day (November 1 – Sunday); Christmas Eve (December 24 – Thursday); at New Year’s Eve (December 31 – Thursday). Kabilang din diyan ang Edsa People Power Revolution anniversary sa February 25 (Wednesday).
Base sa listahan ng mga ideneklara na petsa ng holidays ngayong taon, asahan ng mga Pinoy ang walong long weekend ngayong taon. Posible pa ngang magkaroon ng 5-day long weekend na magsisimula ng December 30, 2015 hanggang January 3, 2016 kung idedeklara ng Malacañang na Holiday ang January 2, 2016.
Kasama rin sa listahan ang mga sumusunod:
Siyempre ang katatapos lang na four-day weekends noong January 1 hanggang January 4.
Apat na araw rin ang walang pasok sa pagpasok ng April 2 hanggang April 5 sa pag-obserba sa Mahal na Araw na taun-taon naman ay ginugunita talaga ng mga Pinoy. At siyempre ang Noche Buena mula December 24 na magtutuluy-tuloy hanggang December 27.
Three-day weekends naman ang mga sumusunod dahil sa mga tumapat na Biyernes na public holidays: sa simula ng buwan ng Mayo ang Araw ng Manggagawa (May 1 – 3); Araw ng Kagitingan naman sa June 12 (June 12 – 14); Ninoy Aquino Day sa August 21 ( August 21-23).
Para naman sa Ninoy Aquino Day at Bonifacio Day, papatak ito ng Lunes. (August 29 – 31), at (November 28 – 30).
Ito ang balita na ikakasaya ng karamihan sa mga Pinoy. Pero tandaan, huwag ding kalimutan ang tunay na diwa ng bawat holiday na idineklara dahil ang bawat araw na ito ay hindi basta-basta petsa lang dahil ito ay mga mahahalagang araw na humubog sa ating pagka-Pilipino.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo