KAMAKAILA’Y NAGPANUKALA si Rep. Bonoan-David (4th Dist, Manila) na gawing batas ang karagdagang $50 na kokolektahin bawat OFW para sa diumano’y emergency repatriation program. Bilang isa sa mga advocate ng kapakanan ng mga OFW, maaari bang paikutin n’yo ang kalakip na petisyon namin laban sa panukalang batas na ito? — Kalinga sa Migrante
NABALITAAN KO rin ‘yan at isa ako sa nagpadala ng oposisyon sa nasabing panukalang batas. Sana nga ay i-withdraw ito agad ni Cong. David.
Una, hindi nagkaroon ng malawakang konsultasyon sa hanay ng mga OFW at mga organisasyon nila bago ito ipinanukala. Ang isang batas na may epekto sa higit sampung milyong kababayan natin sa ibang bansa ay marapat lamang dumaan sa malaganap na public hearing.
Pangalawa, ‘di ba puwedeng maghanap na lang ng ibang pagkukunan ng pondo liban sa mga OFW? Ngayong July ay dodoblehin na ang kinokolektang premium ng PhilHealth. Tatamaan na naman nito ang mga OFW. Bakit kung sino ang nagsasampa ng yaman sa bansa ay siya laging pinahihirapan?
Kahit sabihin pa na ahensiya o principal ang magbabayad sa mga bagong kontribusyon, ipapasa na naman nila ito sa mga OFW sa anyo ng karagdagang singil.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo