NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
Concerned citizen po ako at gusto ko pong humingi ng tulong tungkol sa isang pasaway na junk shop na sobrang kalat. Sa gitna ng mga bahay at kung saan-saan nagpa-park ng kanilang mga truck. Sobrang taas din ng karga nilang kalakal sa tabing kalsada at delikadong mahulugan ang mga dumaraan.
Irereklamo ko lang po iyong isang pabrika na nag-ooperate dito sa Brgy. Hilapnitan, Baybay City, Leyte na nagtatapon ng kanilang basura sa dagat. Dahil dito, kahit shell ay wala nang makuha sa dalampasigan. Ang mga isda ay nawawala na rin. Sana po ay matulungan ninyo kami.
Irereklamo ko lang ang kalsada dito sa may Pulang Lupa, Las Piñas dahil ginagawang paradahan ng mga sasakyan at halos kalahati ng kalsada ang sakop. Sana po ay maaksyunan.
Irereklamo ko lang po ang San Vicente National High School at Agusan National High School sa Agusan del Norte dahil naaawa na po ako sa parents ko, nahihirapan na sila lalo kasi na ilan kaming nag-aaral. Kagaya lang po sa palaging inirereklamo sa inyo na malaki ang bayarin sa mga pampublikong eskuwelahan. Sana ay matulungan po ninyo kami.
Irereklamo ko lang po iyong Danan Elementary School sa Zamboanga del Sur dahil nagpapagawa sila ng tangke na ipunan ng tubig-ulan. Ang mga bata po ay kailangang magbigay ng P150.00 bawat isa. Kapag hindi po nakabayad ay hindi nire-release ang report card.
Isa po akong concerned parent na may anak na nag-aaral sa San Jose Annex High School sa Malaybalay, Bukidnon. Inirereklamo ko po ang nasabing eskuwelahan dahil sa dami ng bayarin.
Puwede ko po bang maihingi ng aksyon ang ginagawang paniningil ng mga guro sa mga estudyante ng Talipan National High School sa Pagbilao, Quezon? Naniningil po sila ng P475.00 para sa PTA, guard, SSG, school paper, anti-Tuberculosis, atbp. Halos every week ay may sinisingil sila. Sana po ay maaksyunan.
Irereklamo ko lang po ang Ratay Elementary School sa Calabanga, Camarines Sur dahil ang daming sinisingil na bayarin na umaabot sa P653.00. Ang mga sinisingil nila ay para sa mga club tulad ng English, Math, Filipino, AP, atbp.
Gusto ko lang po sana ireklamo sa inyo ang isang eskuwelahan dito sa Pandacaqui, Mexico, Pampanga dahil naniningil sila ng P200.00 na pambili umano ng flat screen TV at P900.00 para sa PTA.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 nn.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536.
Shooting Range
Raffy Tulfo