0922343xxxx – Isa po akong concerned citizen dito sa Pasig City, nais ko pong ipagbigay-alam sa inyo na ang ordinansang ipinapatupad dito na dapat ay naka-helmet ang mga nagmo-motor ay hindi sinusunod ng mismong mga traffic enforcer na mga halimaw kung manghuli ng walang mga helmet. Sana po kung manghuhuli sila ay maging huwaran sila at sumunod din sila sa batas o ordinansang ipinapatupad nila. Huwag silang maging mga pasaway. Salamat po.
0927992xxxx – Idol Raffy, isa po akong security guard na laging nakasubaybay sa inyong mga programa. Itatanong ko lang po kung tama ba ang checkpoint ng mga pulis dito sa Biñan na walang nakalagay na checkpoint pero may marked vehicle sila. Nagche-checkpoint po sila nang wala sa lugar, kapag gusto lang nila. Dito po sila palagi sa may Canlalay. Ang body number po ng sasakyan ay 147. Salamat po.
0947765xxxx – Sir, pakikalampag naman po ang mga kinauukulan dito po sa may Abad Santos Station ng LRT Line 1 dahil iyong mga tricycle drivers po na iligal na pumaparada roon at nakasasagabal sa trapiko dahil sa nakaharang sa kalye ang kanilang mga pinapasada. Umaakyat pa sila ng station ng LRT at sinasalubong ang mga pasahero samantalang bawal iyon. Binabale-wala ng mga driver na ito ang mga pasaherong naaabala nila pati na ang guwardiya na sumasaway sa kanila. Sila pa ang matatapang na sumisigaw at nang-aasar sa mga guwardiya. Sana po ay maiparating ninyo sa kinauukulan ito at nang mapaalis ang mga tricycle doon. May tamang pilahan naman po na malapit para sa mga tricycle.
0907394xxxx – Sir Raffy, pakikastigo naman po ang isang traffic enforcer sa Quiapo dahil kinotongan po kami, ang sabi niya ay one-way raw ang kalsadang dinaanan ko ngunit hindi naman. Dalawang daang piso ang hiningi sa amin at pinaikot pa kami sa Quiapo. Sabi po ng mga nagtitinda sa bangketa ay lagi raw iyong ginagawa ng traffic enforcer na iyon at pera-pera lang daw po iyon. Pakiaksyunan naman po ito. Maraming salamat po.
0999425xxxx – Sir, gusto ko pong humingi ng tulong sa inyo dahil ang aking pamangkin ay sobra pong namaltrato ng kanyang teacher, puro pasa at kurot ang bata sa katawan. Nagdemanda po ang nanay niya pero walang nangyari dahil mas pinapanigan ng eskuwelahan ang teacher na gumawa nito kaya hindi po nakamit ng aking pamangkin ang hustisya. Iyong pamangkin ko ay ayaw nang pumasok sa eskuwelahan dahil natatakot sa teacher. Sana po ay matulungan ninyo kami para hindi na maulit ang nangyari sa ibang mga bata. Salamat po.
Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV sa Channel 41.
Ang inyong lingkod ay mapapanood Lunes hanggang Biyernes, 5:30-6:00 pm sa TV5 sa programang T3.
Abangan ang isa na namang kapanapanabik at bakbakang episode ng WANTED sa TV5 mamayang gabi pagkatapos ng Aksyon Journalismo.
Para sa inyong mga sumbong, maaari kayong mag-text sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO.
Shooting Range
Raffy Tulfo