BONGGA at tila positibo ang feedback sa pagbabalik telebisyon ni Nora Aunor.
Kung maaalala pa, ang naging attitude problem niya at pagiging unprofessional sa kanyang trabaho ang rason kung bakit hindi siya kinukuha sa mga teleserye.
May mga pagkakataon noon during taping ng isang show sa Kapamilya Network na hindi niya sinisipot kahit kumpirmado na ang taping at nakakasa na ang lahat.
May insidente na sa during breaks (like lunch or dinner at mas malala ay mage-emergency paalam) ay aalis ito at hindi na babalik sa set na isa sa dahilan kung bakit na cut short ang isang show. Siya ang naging dahilan.
Mabuti at muli ay may nagtiwala na kunin ang serbisyo niya with Eat Bulaga’s Lenten Drama Presentation na during Holy Week, imbes na magpalabas ng usual EB noontime show concept, ang mga hosts at artista nila ay gumaganap sa mga drama anthology na akmang-akma sa tema ng Semana Santa.
Sa naturang episode ni Nora, nakasama niya si Ricky Davao as her director at sina Pia Guanio at Ryzza Mae Dizon ang mga co-stars niya.
I’m sure, matutuwa ang mga fans ni Nora dahil maganda ang work feedback sa kanya ng mga production staff.
Kung dati ay may isyu siya sa pagiging unprofessional (late na dumarating sa set at kung minsan ay nawawala), this time, 360% ang imahe ng isang Nora na nakatrabaho nila dahil very professional na ito which is a good sign sa mga future projects niya if ever may kasunod ang naturang EB Lenten Season presentation.
Reyted K
By RK Villacorta