Pasko na naman!

1 Pasko-na-naman 2 Pasko-na-naman 3 Pasko-na-naman 4 Pasko-na-naman 5 Pasko-na-naman 6 Pasko-na-naman“It’s the most wonderful time of the year” sabi nga ng pampaskong awitin, Kapaskuhan marahil ang pinakapaboritong panahon ng nakakarami sa atin lalo na sa Pilipinas. Naitala na ang Pilipinas ang may pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko. Setyembre pa lang ay nagsisimula na ang Christmas countdown at mayroon ng mga Christmas decorations sa mga kalye. Samantalang isa naman ang London sa paboritong pasyalan ng mga turista tuwing holiday season dahil sa mga bonggang Christmas decoration ng Oxford street at hitik na iba’t-ibang attractions. Narito ang ilan sa mga tampok na Christmas attractions sa London:

Ice Skating sa London

It’s a must-visit ang alin man sa mga ice skating rinks sa London ngayong Kapaskuhan! Kahit hindi ka mag ice-skate ay siguradong masisiyahan ka na sa view pa lang dahil ang mga rinks ay napapalamutian ng nagniningningang Christmas lights at magagandang Christmas trees. Nakapuwesto ang mga ito kung saan tanaw mo ang ilan sa mga iconic institutions ng London.

Oxford Street, Covent Garden and Regent Street

 

Taon-taon ay inaabangan kung ano ang magiging inspiration ng mga Christmas displays at pagbubukas ng mga Christmas lights sa mga streets na ito sa London. Peacock-inspired ang dekorasyon sa Covent garden. Sa bawat junction at bintana ng mga shops ay may mga hugis feathers ng nakasabit. Ang covent garden naman ay naging mala winter wonderland sa ayos nito. May malaking silver reindeer na nakatuntong sa mga regalo sa eastside ng Covent garden square habang giant Christmas tree na napapalibutan ng red and white Christmas lights naman ang pambato ng West side ng square.

 

Family Christmas shows

 

Ang Pasko daw ay para sa mga bata kaya naman hindi pwedeng mawala ang mga pagtatanghal sa iba’t-ibang theatres sa London. Panoorin on stage ang mischievous cat sa revival production ni Katie Mitchell’s National Theatre adaptation of Dr Seuss’s ‘The Cat In The Hat’ sa Pleasance theatre mula December 8 hanggang January 4.

Hindi pwedeng mawala ang pagtatanghal tungkol sa much-loved Charles Dickens’ classic na Christmas Carol tuwing Kapaskuhan. Tunghayan ang isang puppet show on this popular Christmas tale sa Puppet Theatre Barge sa Little Venice mula November 29 hanggang January 11.

By Joy Mesina


Previous articleDERRT: Sagip Delubyo sa Pinas
Next articleChristmas Market Market!

No posts to display