Pasko pa pina-raffle ACTRESS-POLITICIAN, ‘OPM’ PA RIN SA SAKO-SAKONG BIGAS

BLIND ITEM: ISANG actress-politician ang narinig naming pinag-uusapan ng ilang movie reporters lately. Ang isyu sa aktres na ito, ‘yong tungkol sa ilang sack of rice na nai-pledge niya bi-lang pa-raffle sa Christmas party ng isang publication nitong nakaraang holiday season.

Naloka raw ang mga nanalong reporters dahil nang tanungin nila kung paano iki-claim ang na-panalunan nilang isang sako ng bigas, ang sabi ay kailangan daw na sila ang kumuha nito sa bahay ng aktres. Ang problema, sa isang probinsiya karatig ng Metro Manila pa ito.  Kung mag-aarkila ng taxi o sasakyan para makuha ang nasabing bigas, mas mahal pa ang rent na ibabayad kesa sa presyo ng isang kaban ng bigas.

After New Year, tumawag daw ang mga reporters na sa secretary ng actress-politician na siyang in charge nga umano kung paano i-claim ang mga sako ng bigas na napanalunan nila. Hihilingin sana raw kasi nila na since marami namang tauhan ang actress-politician at marami rin itong service na mga sasakyan, baka pupuwedeng ipahatid na lang ‘yung mga nasabing sack of rice kahit sa publication office na lang na kanilang pinagsusulatan para do’n na lang nila kunin.

Ang kaso, according sa secretary ng actress-politician, wala na raw ang mga nasabing bigas! Dahil wala umanong nag-claim, napasama ang mga sack of rice na ito sa ipinamahagi raw ng actress-politician nang mag-distribute ng mga goodies sa mahihirap na constituents sa isang lugar na sakop ng kanyang panunungkulan.

Pero nag-OPM daw sa mga reporters ang secretary ng actress-politician. Papalitan na lang daw ito ng cash. Na kung magkano ang worth no’ng tig-iisang kaban ng bigas na na-panalunan nila, iyon na lang daw ang ibibigay sa kanila.

Pero natapos ang month of January, dumaan na ang Valentine’s Day, at mag-i-end na rin ang February, wala pa ring abiso ang kampo ng actress-politician sa mga reporters kung paano at kailan nila ito makukuha. Kung sa susunod na Christmas na lang ba o ano.

Hindi na raw umaasa ang mga reporters na maki-claim pa nila ito. Kumbaga, ayaw nilang magmukhang timawang mag-follow up pa tungkol dito.

Bakit nga ba nagkagano’n? May image pa namang mabait at ma-PR ang actress-politician na ito gaya ng husband niyang isang kilalang personalidad din sa mundo ng politika.Sikat at kilala rin ang mga anak nila, huh!

Na-get na ninyo kung sino ang actress-politician na ito?

HINDI PA MAN nagsisimulang gumiling ang camera para sa pelikulang El Presidente: The True Story of General Emilio Aguinaldo and The First Philippine Republic, nagkaroon na kaagad ito ng isang malaki at bonggang press conference kamakailan na ginanap sa Zirkoh Morato. Naroon ang bida ng nasabing proyekto na si Laguna Governor ER Ejercito, ang direktor nito na si Tikoy Aguiluz, ang naatasang magsulat ng script base sa nakalap na research na si Roy Iglesias, at ang mga tao sa likod ng Scenema Concept International na siyang magpu-produce nito.

Dalawa raw ang naging asawa ni Emilio Aguinaldo. Namatay ang una kaya nagkaroon siya ng pangalawang kabiyak. Si Batangas Governor Vilma Santos ang kinu-consider ni Governor ER na gumanap bilang second wife. Bagay na bagay daw sa Star For All Seasons ‘yong role kaya umaasa umano siya na tatanggapin ito ng aktres.

Si Iza Calzado naman umano ang napipisil niyang gumanap bilang first wife. Ayon kay Governor ER, perfect din daw ang dalaga para sa nasabing role.

They’re still working on the screenplay pa lang daw. Sunod na rito ay ang casting naman na talaga umanong pakapipiliing mabuti kung sinu-sino ang mga karapat-dapat na mag-portray ng iba pang mga characters na involve sa lifestory ng kauna-unahang President ng Pilipinas na si heneral Emilio Aguinaldo.

Bongga!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleHAYDEN KHO, NILILIGAWAN NG TV5?
Next articleSa Aagaw ng Kanilang Trono SEXBOMB GIRLS, HANDANG MAKIPAGTADYAKAN!

No posts to display