‘DI SINASADYANG makita namin sa labas ng ABS-CBN si Angelica Yap aka Pastillas Girl, kaya naman nagkaroon kami ng pagkakataong makausap nang sandali at makapagpalitrato sa kanya.
Isang napakasimple, walang make-up, mabait, at may handang ngiti sa mga nagpapalitrato sa mga taong naroroon kasama ang inyong lingkod. Taliwas sa mga nasusulat na maarte, ‘di magandang ugali, at supladang imahe na idinidikit dito ng ibang tao.
Biro nga namin sa kanya, ‘sikat na sikat ka na, ha?’ Na mahinahong sinagot nito ng, ‘Hindi naman po.’ Sabay ngiti sa amin. At kahit nga tinatawag na ito ng kanyang kasama para umalis, hindi ito umaalis hangga’t may taong gustong magpalitrato sa kanya.
Marahan nga namin itong pinagmamasdan kung maiirita ba o magsusuplada dahil sa dami ng tao na nagpapalitrato sa kanya. Pero hangang maubos at makapagpalitrato ang lahat, dala pa rin ito ang ngiti sa kanyang mga labi at nagpaalam sa lahat at namutawi sa kanyang mga labi ang mga salitang, ‘Sige po, mauna na ako. Salamat po sa inyo.’ Pagpapatunay lang na mabait ang dalaga at may nga tao lang na sinisiraan ito.
Gawad Kabataan Survivor 101, hatid ng SMAC TV Network
MULA SA iba’t ibang eskuwelahan ang maglalaban-laban sa Gawad Kabatan Survivor 101, kung saan may mga challenges na gagawin na dapat nilang malagpasan.
Ito’y hatid ng SMAC TV Network na mapanonood sa YouTube, hosted by Gawad Kabataan ambassador Justine Lee at Gawad Kabataan correspondents na sina Rain Calaguan at Grey.
At habang tumatagal ay isa-isang mae-eliminate ang mga participating students hanggang matira ang tatanghaling Gawad Kabataan Survivor 101.
Ang Gawad Kabataan ay may adhikain na tulungan at gabayan ang mga kabataang nangangailangan ng edukasyon na hindi matustusan ng kani-kaniyang mga magulang.
John’s Point
by John Fontanilla