ANG GRUPO NI Valeen Montenegro at Tribal Dan-cers ang bet namin sa celebrity showdown sa Ultimate Battle of the Champions ng Ta-lentadong Pinoy last Sunday na ginanap sa Ynares Sports Center sa Antipolo City. Among the celebrities na kalaban nila that night – Rosanna Roces played the drums, Regine Tolentino danced and then rapped in Tagalog, and Ciara Sotto who performed a pole dancing while singing – si Valeen ang talagang first time na nag-fire dancing. At delikado ang ginawa niya dahil ang props nga niya ay apoy. Puwedeng masira ang flawless niyang kutis ‘pag nagkamali siya (paging FHM!)!
Of course, satisfied naman kami na ang grupo ni Ciara ang napili ng mga hurado at tumanggap ng P100,000 cash. Mahirap din ang magpaikot-ikot sa pole habang kumakanta, huh!
As expected, si Joseph the Artist ang Ultimate Talentadong Pinoy. He went home with P1-M tax-free cash, bagong kotse, at scholarship na mga premyo. Wala namang kuwestiyon sa talent ni Joseph na sand painting (or drawing?), na sa palagay namin ay swak na swak sa children program na Batibot ng TV5. ‘Yun bang habang may storytelling, si Joseph naman ang nagdo-drawing nun.
Tuluy-tuloy pa rin ang paghahanap ng Kapatid Network ng mga talentadong Pinoy. Sa March 19, nasa SM Novaliches sila for audition. Good news din na lalabas ng bansa ang Talentadong Pinoy para naman sa mga kababayan natin sa abroad.
WE’RE GLAD NA napanood namin ang stageplay ng PETA na Caredivas last Saturday. Matagal na rin naman kaming hindi nakapanood ng stageplay, and Caredivas, revived our interest in this art again.
Napakasimple ng setting ng play about five gay friends na nagtatrabaho sa Israel bilang caregivers sa umaga at ‘divas’ naman sa gabi. Pero kakaiba ang sundot ng bawat eksena at ng mga awitin na isinulat ng award-winning musical arranger-composer na si Vincent de Jesus, na isa rin sa lead characters ng istorya.
Patatawanin ka ng ‘Caredivas’ bago ka nila paiyakin! Hindi kailangang pagdaanan mo ang naranasan ng bawat bida upang madama mo ang saloobin nila at makuha ang mensaheng ipinararating nila. At ‘yon ang talagang ‘puso at kaluluwa’ ng palabas.
We hope na magkaroon ito ng repeat dahil sadyang napakaganda nito na dapat ay mapanood pa ng mas marami. Kudos sa PETA at sa Caredivas!
Bore Me
by Erik Borromeo