“‘WAG NA nating pag usapan pa si Cedric Lee. Pamilyado na ako at masaya sa aking asawa’t mga anak!”
Ito ang naging pahayag ni Patricia Javier kaugnay sa paulit-ulit na pag-uugnay sa kanya sa ex-boyfriend na si Cedric Lee na nasa NBI detention center dahil sa serious illegal detention at pambubugbog kay Vhong Navarro.
Ayon pa kay Patricia, ayaw naman daw niya na sa kanyang pagbabalik-showbiz ay masabing ginagamit niya si Cedric, lalo na ngayon at very controversial ito para mas pag-usapan ang kanyang pagbabalik sa pag-arte.
Mas gusto raw nito na kaya siya nakabalik sa showbiz ay dahil na rin sa may mga proyektong bagay sa kanya at dahil na rin sa kanyang talento sa pag-arte, pagkanta at pagiging international DJ, kung saan sa America ay DJ Love ang tawag sa kanya.
Dagdag pa ni Patricia na medyo magtatagal siya sa bansa kapag nagkaroon na siya ng magandang proyekto na katulad ng teleserye at pelikula. Pero babalik-balik pa rin siya sa America kung saan nakabase ang kanyang guwapo at very supportive na asawa.
NAGING MAINIT ang labanan sa Dance Foor ng 12 Grand Finalists ng Stardanz 2014: The Hip Hop Dance Battle nang ganapin noong Sabado, May 24, sa Star Mall Alabang ang Grand Finals. Kabilang dito ang mga grupong Fraicks Dancers, M X Crew and Swagnificent from Star Mall Las Piñas, Impromp2, Illuminati at Full Blast na mula naman sa Star Mall Alabang, Next To Innocence, Pinoy League of Dancers, M.Y Crew from Star Mall San Jose, Bulacan at SV Hottraxx, Rizal Underground at PR Dance Drew naman na mula sa Star Mall Edsa-Shaw.
Present ang lahat ng marketing officer ng Star Mall mula sa Las Piñas, Edsa-Shaw, San Jose, Bulacan at Alabang na sina Ms. Joy Rapadas, Jeffrey Ventura, Roan Grande, William Tagana, Jerry Fagela at Kat Sanchez. Nagsilbing hurado naman sina Sahara and Diane ng Adlib Dance Crew, Keith De Guzman of Philippine All Stars Mega Crew, Carlyn Ocampo of Pop Girls and yours trully.
TINANGHAL NA Grand Champion ang Next To Innocence na nag-uwi ng tumataginting na P20,000 na nakakuha rin ng special award na Best in Choreography. 1st Runner-Up naman ang Rizal Underground na nakapag-uwi ng P10,000 at nanalong Best in Costume; samantalang nag-tie naman bilang 2nd Runner-Up ang PR Dance Crew at Pinoy League of Dancers na nag-hati sa premyong P7,000.
John’s Point
by John Fontanilla