NASA BANSA ngayon ang sex siren na sumikat noong dekada ‘80 na si Patricia Javier, kasama ang kanyang buong pamilya para balikan muli ang mundo ng pag arte.
Tsika nga ni Patricia na masyado niyang na-miss ang pag-arte kaya naman daw kinausap niya ang kanyang Amerikanong esposo at pinayagan naman siyang balikan ang pag-aartista.
Dagdag pa nito na willing pa rin naman daw siyang magpa-sexy, pero hindi na katulad ng dati na all out siya sa pagpapakita ng kanyang alindog at kaseksihan, ngayon daw na may asawa at dalawang anak na siya, may limitasyon na raw ang kanyang pagpapa-sexy.
At kahit nga mukha pa rin itong bata, willing din daw itong lumabas na nanay sa mga teleserye, dahil in real life naman daw ay nanay na siya. Ang mahalaga raw sa kanya ngayon, magkaroon ng mga proyektong hindi pa niya nagagawa dati para maiba naman daw.
Free concert para sa mga bayani ng Yolanda, dinumog ng libu-libong tao
NAGING MATAGUMPAY ang katatapos na free concert entitled “Handumanan” isang pasasalamat sa mga bayani ng Yolanda na hatid ng Haiyan Disaster Governance Initiative (HDGI) sa pangunguna ng mag-asawang Carlo at Derlyn Maceda na ginanap sa Quezon City Memorial Circle.
Ginawaran ng parangal ang mga taong tumulong at nagsilbing bayani noong sinalanta ng bagyong Yolanda ang Tacloban at kabilang rito ang Teen King na si Daniel Padilla at ang kanyang inang si Karla Estrada, magkapatid na Yanna at Ynna Asistio, atbp.
Nagbigay-aliw naman sa libu-libong tao ang South Border, Rocksteddy, Myrus, Blanktape, Siyato, UPGRADE, The Voice Kids, Banda ni Kleggy, Geo Ong, Gracenote, Mayonnaise, Kitchie Nadal, atbp.
SUCCESSFUL NA ginanap ang 2nd Monthly Finals ng Sing For Your Dreams sa Starmall Edsa-Shaw last Nov. 8, 2014 na hatid ng SMAC Television Productions, kung saan naglaban-laban sina Ricklen Cordova, Rafael Salonga at Jaymat Pascual. Hosted by Kcee and Grey.
Pero sa tatlong monthy finalist, masuwerteng nakapasok para sa Grand Finals si Rafael Salonga. Habang naging espesyal na panauhin dito ang Gawad Kabataan ambassadors/ hosts na sina Justin Lee at Jonathan Solis at ang Grupong Way Up.
John’s Point
by John Fontanilla