IF WE ARE going to talk about VIPs sa nakakulong sa selda, hindi pa nga nahahatulan at hindi pa nga nalilipat sa real big time na Munti si Patrick de la Rosa dahil sa kasong rape, e, big time na rin daw ito kung ituring nu’ng nasa Station 7 pa lang siya at wala pa sa Kyusi City Jail dahil na rin sa cash flow coming from his side, as reported by a police officer na ayaw magpakilala, lalo na raw sa kanyang kuya Jimmy na isang contractor na ang balita namin, e, kumikita ng millions kundi man billions sa mga government agencies.
At habang walang mediamen na nakaistambay, isa sa mga close friends ang bumisita kay Patrick nu’ng nasa Station 7 pa lang siya at na-shock ang bumisita sa kanyang nakita at sa treatment na kanyang nakuha.
Ang buong akala kasi niya, sympathy will prevail over him kapag nakita niya ang dating aktor dahil sa kanyang mga nababalitaan, pero ang exact opposite ang nangyari.
Imbes na awa ay napa-wow siya nang nakita si Patrick sa kulungan and to quote him: “Para siyang nagbabakasyon lang sa Boracay dahil walang pagbabago. Parang mas relax pa siya ngayon at walang stress!”
At gaya ng isang hospitable Pinoy, hindi raw nagpahuli si Patrick sa mga oras na ‘yon dahil ito ang kanyang dialogue sa dumalaw na kaibigan.
“Pare, maghintay ka lang, huh! Kasi, darating na ‘yung pinaluto kong chicken sa bahay ng misis nitong kakosa ko.
Bagong luto ‘yon kaya hintayin mo na lang,” ang parang may-ari ng bahay pang sabi ni Patrick sa kanyang bisita.
At ‘yon nga ang nangyari. May dumating na chicken with matching unlimited rice at dalawang litrong softdrinks na nu’ng kumain daw sila ay para lang daw silang nasa resort sa Mindoro na nagpapalipas ng gabi.
Pagkatapos ng dalawang oras na kuwentuhan, lalong nagulat ang bumisita sa ginawa ng akusadong nakakulong. Bumunot daw ito sa bulsa, nagbilang ng ilang hundreds at inabot ito sa kanya.
“Pare, eto! Pamasahe mo!” sabi raw ni Patrick sabay kindat.
And because of the generosity na ipinakita ni Patrick, pinag-iisipan tuloy ng kanyang bisita, na dati rin niyang kasamahan sa showbiz ang dumalaw nang paulit-ulit para makaipon daw siya’t malapit nang mag-Pasko.
DALA ANG SMASHBOX crew, kami man ay naka-experience na pagtaguan ni Patrick. Nagsinungaling pa nga ang nagpakilalang bastonero sa selda dahil wala raw du’n si Patrick, samantalang ang police officer na naka-duty roon mismo ang nagsabi sa amin na nasa isang sulok lang si Patrick at naglalaro raw ng cards bago pa kami dumating.
Sabi ni PO1 Willie, ganyan daw talaga ang nangyayari sa isang preso lalo na kapag naglalabas ng maraming pera. Para lang daw talaga silang nagbabakasyon.
Dagdag pa ng aming kausap, kapag ordinaryong akusado at walang pera, bugbog at puro utos daw ang aabutin nito sa mga beteranong kakosa kundi man ma-etsa-puwera sa puwesto ng tulugan.
Isa pa, natupad na rin daw ang isa sa mga hinihiling ni Patrick na mailipat sa Kyusi City Jail para maging mas malaki at mas maluwag ang kanyang tulugan, at siyempre, for a fee at malaking halaga ang nailabas du’n, thanks for his madatung na kuya Jim.
Hmmm… just wondering, ngayong nasa Kyusi City Jail na siya, ano pa kayang mga amenities and privileges ang kanyang nae-enjoy ngayon? Parang club membership lang, ‘no?!
Kung ganu’n, gusto naming batiin si Patrick ng malutong na “congratulations” dahil at least ngayon, e, nakapagbakasyon siya nang maayos.
‘NGA PALA, FOR the first time in twenty years sa recording scene, e, nakatanggap ng award si Andrew E. sa Star Awards for Music as Best Rap Album of the Year.
Marami siyang dapat sasabihin sa podium kung siya mismo ang nakatanggap ng award bilang acknowledgement. Pero dahil na-late siya, e, nawalan siya ng opportunity. Pero sa next column namin, ilalagay namin ang kanyang pag-e-emote, je,je,je!!!
Congrats! Andrew E.
For reactions, please e-mail: [email protected]
Sour-MINT
by Joey Sarmiento