Patrick Garcia: The Voice of Silence

BALITANG NAKS KAHIRAP naman ‘pag hindi natin alam ang ating isinusulat. Siyempre dapat alam natin, dahil ‘pag hindi, para kang nakaduyan sa alapaap or walang direksiyon ang panulat. Dahil halimbawa sa isang business, kung ano ang hinihingi ng costumers, marahil iyon ang susundin ng isang businessman. Bagama’t dapat naroon pa rin ang identity or originality ng business. Kung kaya sa aking estilo naman sa pagsusulat, may tinatawag na ‘artist touch in writing’ at medyo may pagka-kaunting ‘abstract’ at ‘social realism’.

Whoa! Well recently, madali naman akong napaunlakan ni Patrick Garcia para sa isang interview, kahit na maraming nagsasabing mahirap daw itong makapanayam. Totoo nga’t may nakasabay pa ako mismo na taga-GMA-7, nahirapan din silang dumiskarte, pinatunayan pa nila ito. Bakit nga kaya?

MADISKARTE NA KAYA

Kinumusta ko agad si Patrick at kinumpirma ko kung may isyu ba siya sa Showbiz Central. “Wala naman, walang isyu”.  May sinu-shoot ka bang pelikula ngayon? “’Ala pa, eh!”

Naging estuyante ko ang isa niyang kapatid na si Alex. Aniya, “Sino? Si Cheska?” Hindi iyong bata pa. “Ah, baka iyong half sister ko.”

Ahhhmm… kumusta pala iyong sa inyo ni Jennylyn Mercado? “Okey naman, wala naman… lately quiet naman.” Kinumusta ko kung nagkikita na sila ng kanyang anak “Hindi pa.” Okey lang, medyo  tiyaga ka lang. What do you think, sino ngayon ang bago ni Jennylyn? “Ah… I don’t know?!” Sa mga babaeng naging leading-lady mo, sino ang naging malapit sa iyo bukod kay Jennylyn? “Ah… ha-ha! Lahat naman nagiging kaibigan ko, eh.”

SPORTSMAN PATRICK

On the lighter side, ang sports hobby ni Patrick ay archery at wakeboarding. Ang galing, huh! Ahmm, pero kung ipe-paint ko siya, anong subject kaya siya? “Well, as myself. Sa lahat ng intriga sa akin, make it more colorful.”

Nak’s whether negative or positive, always it’s publicity at kelangan matapang ka. “’Ika nga, publicity is a part of the job, part of the work. Kumbaga lahat naman ng katanungan nasasagot ko. Oo, hinaharap ko, basta, wala ka namang itinatago sa ibang tao eh, okey, na iyon.”

Medyo nangulit muli ako. Sa akin kung ano lang itinanong ko at isinagot, ‘yun lang ang isusulat ko. So nami-miss mo rin ang anak mo? “Well, ah… hindi ko pa siya nakikita, o nahahawakan.” Ahhhmm… pero nakita mo na siya? “Sa TV, sa litrato.”

Sinabi ko sa kanya na tiyak ‘pag nahawakan niya ang anak eh, siguradong sunod-layaw sa kanya. Sagot niya, “Hindi ko alam. Siguro mixed emotions. Ah… naman. Umaasa akong mangyayari iyon isang araw.” Oo, ‘di ba?

Follow-up question, kung sakaling medyo lumubag ang loob ni Jennylyn sa iyo, sabihing kayo muli, okey pa ba sa iyo? “Siguro it’s better off na magkaibigan na lang kami.” Ah, magkaalaman muna nang husto? “Siguro, no romantic involvement. Sa akin sobrang masaya na ako na maging magkaibigan kami. Siguro, iyon ang pinakaimportante.”

KAIN PAGKAGISING

Sa umaga ano ang una mong ginagawa pagkagising? Sino ang unang kaulayaw mo? “Ako usually paggising ko, gutom kaagad ako sa umaga. Ang hanap ko, pagkain palagi” Ha-ha! Ang paboritong pagkain ni Patrick, “Sinigang, nilaga… adobong kangkong!” Galing ha! Kangkong, panlinis ‘yan ng tiyan, eh.

Ilang taon kang nagsimulang mag-artista? “Siguro 10 years old.” Naks! Bale ilang taon ka na ngayon? “Ako ah, secret! He-he-he-he!”

Anong mga pelikula mo ang hindi mo makalilimutan? “Ah, iyong Madrasta, saka Batang PX.” Minsan ba sa palabas, nadadala ka rin… iyong oras na umaakting ka? “Oo naman, nadadala mo iyong mabibigat na emosyon.” Nakakailang take ka, sige nga? “Depende sa director, he-he-he-he…!”

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articleLima sa Million Moves ni King James?!
Next articleMale TV Personality, isa-isang itine-take home ang mga male dancers sa show!

No posts to display