Patuloy ang pangarap ni Angeline Quinto

IMAGINE, KUNG kailangan na puntahan ko ang isang artista upang ma-interview, ginagawa ko ito. Kahit iisa lang o minsan kung maraming iinterbyuhin ay mas pabor ito sa akin dahil isang puntahan na lang. Pero, hindi ganu’n kadali ito at hindi natin maaaring i-ignore ito. Pinagpapaguran ito. Hindi ito sabi-sabi lang, kundi kung ano ang kanilang mga binitawang salita ay lehitimong ito ang isinusulat ko.

At hindi ganoon kadaling makipag-ugnayan sa isang network, lalo na kung hindi ka kinikilala nito bilang manunulat. Dahil dito, isinasalarawan ko ang totoong sining at nais kong bigyan ng buhay ang mga nakatago, ang isang payak at ang mga nakatutuwang larawan upang ilagay sa canvas ng aking panulat.

Simulan na natin ang larawan ng ating bida. Nang una, ‘aloof’ at mukang ‘tense’ si Angeline Quinto sa kung ano ang mga itatanong ko.

“Ah, mahirap ba ‘yan?”

Ah, hindi naman. Parang about your life ‘yung mga itatanong ko sa ‘yo, Angeline. Ano ba ‘yung nakakatawa sa ‘yo at ‘yung naaalala mo. Hindi naman ‘to intriga, parang more on build up. Hehehe! Kulit mode. Halimbawa, pumunta ka sa ganun, ‘yun pala nadulas ka.

Natawa si Angeline, “Hahahahah! May research ka, Maestro, ha?!”

Naks! Sa katotohanan, nadapa raw pala talaga itong si Angeline habang paakyat sa stage na kumakanta.

“Nanggaling po ako sa isang singing contest na pinag-host ni Ma’am Sharon Cuneta. Star Power po ‘yun. Last year po ‘yun.”

Uhm… paano ka naging singer? Ano, hilig mo na o nasa banyo ka nagsisisigaw ka or paano?

“Hihihi! Bata pa talaga ako, mahilig na po talaga akong kumanta. Mga 6 years old po. Pero, mga 8 years old na po ako nang sumali sa amateur singing contest.”

Noong una ba, may nagsabi sa ‘yo na ‘wag kang sumali sa mga contest.

“Ah, noong una po, dini-discourage akong sumali kasi mapapabayaan ko ang pag-aaral ko. Pero napagsasabay ko naman dati.”

Ah, kumbaga dugo mo at parang damit mo na, parang suot mo na, ganu’n? Ano ba ang mga kinakanta mo, balladeer ka ba o jazz artist, o rocker? “Ah, mga ballad po, mga love songs.”

Sino ba ang idol mo? “Si Regine Velasquez po.”

Kung aalis ka kay Regine, sino’ng gusto mo? Dapat may sarili kang character katulad ‘yung paborito kong si Norah Jones. Hindi naman ‘yung aalis ka sa sarili mo? “Ay hindi naman po.”

Alam mo rin ba ‘yung si Victor Wood, kamag-anak ni Rico Puno? “Ah talaga po?”

Hahaha! Ah hindi, joke lang para pang-alis ng stress. “Ah, si Rico Puno, idol ‘yun ng nanay ko.”

Ano, nakakapagod ba o matiyaga ka naman? “Nakakapagod din naman kasi nu’ng lagi kang natatalo.”

Pero, ano ang naging power mo bakit ka naging kilala? “Ah sobra na rin po talaga ‘yung naging hilig ko sa pagkanta.”

At ayon pa sa kanya, ganu’n na lang ang kanyang tiyaga upang makamit ang tagumpay. Tinanong ko kung mahilig siyang mag-shopping at ito ang sagot niya, “Ah, hindi naman ako mahilig mag-shopping pero kung may chance namang pumunta ng mall, bumibili po ako ng sapatos o kaya relo. Tuwing pumupunta po ako ng ibang bansa, gusto ko po na may relo ako na bibilhin.”

Ah, parang halimbawa gusto mong sapatos, pupunta ka ng Hong Kong? “Ah, ganu’n po. Kasi mura raw roon.”

Hahahha! Para kang si Imelda, ah. Pero nakita ko makulay ka sa damit, ang galing mong magdamit, red and black. Parang  lagi kang Valentines. “Medyo po, hehehhe!”

May sasakyan ka na? “May sasakyan po akong napanalunan. Dahil mahal ang gasolina, ‘pag malapit lang po, minsan nagta-traysikel na lang po ako o nagta-taxi ‘pag coding po.”

Bagay, dito sa usapan namin, makikita mo pa rin ang tunay niyang pagkatao na tila walang kaplastikan kundi pawang totoo lang. At ang doo’y andu’n ang pagka low-profile.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

E-mail: [email protected], [email protected], cp 09301457621

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articleGanda lang ang puhunan?
Next articleIza does the ‘food lover’

No posts to display