Kung may isang pangalang tumatak sa industriya dahil sa kanyang talento, ganda, at galing, ‘yan lang naman ang artista at direktor na si Gina Alajar.
Anak ng inang taga-Cavite at amang taga-Roxas City, isinilang si Regina Liguid Tiit noong May 15, 1959. Walong taong-gulang siya nang una niyang karirin ang showbiz sa pelikulang Kaibigan ko’ng Sto. Niño na nagbigay sa kanya ng Best Child Actress award mula sa FAMAS.
Naging contract star siya ng Sampaguita Pictures at kinarir ang pagdadrama. Markado ang naging pagganap siya sa pelikulang City After Dark noong 1980 gayundin sa Orapronobis at Bulaklak ng City Jail. Pero nasungkit niya ang Best Supporting Actress award mula sa FAMAS para sa Biktima at mula naman sa MMFF para sa Brutal. Siyempre, may Best Actress award din siya mula sa Urian para sa Brutal, Salome, at Bayan Ko: Kapit Sa Patalim; at Best Supporting actress naman para sa Biktima.
Naging dyowa niya si Michael de Mesa pero noong 2006, na-annul ang kanilang kasal. Sa ngayon, kinakarir ni Ms. Gina ang pagdidirek and at the same time, ang pag-arte sa TV at ilang indie films tulad ng Ded na si Lolo.
Ni Mayin de los Santos, Photos by Mark Atienza