MATAPOS MADEMANDA NG pagnanakaw, isang reklamo muli ang tinanggap ni mayoralty candidate Herbert ‘Bistek’ Bautista kaugnay ng kasong paglabag sa Republic Act 3019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Pero sa halip na isang matalik na kaibigan, isang concerned citizen naman ngayon sa katauhan ni Nicanor Royo Salameda Jr. ng Payatas, Quezon City ang nagsampa ng kaso laban sa komedyanteng si Bautista sa tanggapan mismo ng Ombudsman.
Base sa dokumentong nakalap, nag-ugat ang reklamo ni Salameda sa may P800,000 transaksiyon ng city hall sa isang food catering establishment na hindi pinadaan ni Bautista sa nararapat na bidding.
Ang bidding ay isang paraan kung saan nabibigyan ng pagkakataon ang gobyerno o lokal na pamahalaan na tukuyin sa hanay ng pagpipilian ang pinakamabuting transaksiyon nang sa gayon ay napapangalagaan ang higit na interes ng mamamayan.
Pero sa kaso ng P733,150 halaga ng transaksiyon na ikinasa ni Bautista sa Lucky Mama Food and General Merchandize noong December 8, 2008, sinabi ni Salameda na walang bidding na ginanap para rito na naging dahilan upang malagay sa alanganin ang kapakanan ng lokal na pamahalaan at buong mamamayan ng Lungsod Quezon.
Ibinunyag ni Salameda na natuloy ang transaksiyon sa kabila ng kawalan ng bidding dahil idineklara ito ni Bautista na isang ‘negotiated transaction’ kung saan hindi kinakailangan ang pagdaraos ng bidding.
Nilinaw ni Salameda na hindi maaaring ideklarang ‘negotiated transaction’ ang P733,150 procurement ni Bautista sa Lucky Mama Food and General Merchandize dahil salat ito sa legal na kundisyon para ito maging ganap na negotiated transaction.
Lima ang kondisyon para maging negotiated ang isang transaksyon, ngunit isa lang ang ginamit ni Bautista at ito ay ang probisyon kung saan ang P733,150 transaksyon ay ginawa sa oras ng kalamidad at may mga buhay na nanganganib.
Iginiit ni Salameda na kahit ang probisyon na ito ay hindi magagamit sa kuwestiyonableng transaksiyon ni Bautista dahil wala namang kalamidad sa lungsod noong ikinasa ang procurement.
“At the time the contract was entered into by Bautista, Quezon City was not under a state of calamity and there is no known calamity that would justify the suspension of the rules on procurement,” ani Salameda.
“Neither is there urgency as would justify the procurement through a negotiated contract because the authority of Bautista dates back to November 2008, and the Contract was entered into in December 2008, but the intended procurement was made only several months after (i.e. in July 2009),” dagdag pa ni Salameda.
Dahil dito, hindi lamang nilabag ni Bautista ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act kundi maging ang administrative offenses na Dishonesty, Grave Misconduct, at Conduct Grossly Prejudicial to the Best Interest of the Service.
Agad namang hiniling ni Salameda sa Ombudsman na ipasailalim sa 6-month preventive suspension without pay si Bautista habang nililitis ang kaso.
“This prayer is further bolstered by the fact that the pertinent documents in this case is in the custody of the Office of the Vice Mayor, where the respondent holds office, and the possible witnesses are under his control and authority, thus, his continued stay in office may affect and prejudice the outcome of this case,” paliwanag ni Salameda.
Naunang nagulantang ang komedyante matapos itong sampahan ng kasong pagnanakaw ng kanyang matalik na kaibigan na si Carlos De Leon. Sa reklamo ni De Leon, ninakaw ni Bauttista at ng kapatid nitong si Hero ang kanyang mamahaling printing machine na nagkakahalaga ng P1.8 milyon. (Parazzi Reportorial Team)