APRUB ANG HOUSE cleaning ni Presidente P-Noy. Mara-ming kalansay na dapat hukayin. Mga mali dapat ituwid. Subalit ang mga ito ba lang ang dapat pag-ukulan ng panahon?
Palobo nang palobo ang ating populasyon. Papalo nang mahigit-kumulang 100-M sa 2020. Ibig sabihin, milyun-milyong bunganga ang pakakainin. Libo pang eskuwelahan ang dapat ipatayo. Health services, dapat palawakin at pag-ibayuhin. Mga bumabalik na OFWs dapat latagan ng employment opportunities.
Mabigat. Kasing bigat ng Mt. Everest ang masa-limuot at sangkatutak na suliranin ng bayan. Ni si Atlas ‘di kayang balikatin.
Sa totoo lang, tumatamlay na ang aking pag-asa. Sa kasalukuyang ipinamamalas ng Pangulo, lahat ay lumalabo. Nasa’n ang road map to national recovery? Nasa’n ang focused program para sa ekonomiya, poverty alleviation, peace and order, climate change, industrialization at iba pa? Nakakalungkot ay puro reaksyon ang administrasyon sa mga nangyayari. Walang pro-active plans para sa mga anticipated problems. Walang “fire in the belly leadership” para ma-galvanize ang enthu-siasm at determinasyon ng bayan. Mabigat.
Nagkamali ba tayo ng paghalal? Sa nga-yon, very good pa ang satisfaction rating ng Pangulo ayon sa huling SWS survey. Ngunit maaaring ito ay bumaba nang bumaba kung hindi maaaresto ang mga dumadagundong na problema.
Makakarating pa ba tayo sa dulo?
ISANG JAPANESE WRITER na edad 98 ang nagpahayag ng sikreto ng “longevity”. Ayon sa kanya, hinubog ang katawan ng tao para umabot pa sa hinog na edad na 120. Ang siste lang, sa ating kabataan, ay inaabuso natin ang katawan at kalusugan. Ano ang mga paraan para madagdagan ang productive years sa ating buhay?
• Always think positive. Energy stems from positive and happy emotions. Fight anxiety.
• Gulay. Sa pag-edad ng tao, mahina na ang panunaw. Gulay ang magbibigay lakas sa ating digestive system.
• Always believe in a Higher Power. Sino ang nagpapaikot ng kumplikadong sistema ng mundo? Bakit hindi nag-uumpugan ang mga planeta? At marami pang ibang mind-boggling na kahiwagaan? Isa lang: Ang Higher Power at Siya ay Panginoong Diyos.
• Always share your blessings with others. Especially to the needy. May kasabihan na: “The things that you keep are the things that you give away.” Have compassion for the poor.
• Enjoy your family. Spend time with them. Treasure your grandchildren and always write letters of cheer to your old friends and relatives.
• Always be prepared to meet the Higher Power. Ready with your accomplishment book. Ready to plead for love and forgiveness.
• Always think that life is not permanent. Lahat tayo ay isang butil lang na pangyayari sa buong kadaigdigan.
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez