TAPOS NA ang PBA season at bagama’t hindi nanalo ang team ni Paul Lee na Rain or Shine laban sa Talk ‘N Text para sa best of 7, masaya pa rin ang basketbolista dahil ibinigay ng kanyang team ang best para maging champion. Kaya nga lang, lumamang ang kalaban sa kanila ng 2 points.
“Ganu’n naman talaga sa game. Sabi nga nila, bilog ang bola, ‘di ba? Ibig sabihin, kahit sino, puwedeng manalo,” paliwanag ni Paul.
Matututukan na ngayon ni Paul ang promo para sa kanyang kauna-unahang album na ire-release ng Star Records titled Angas ng Tondo. In fact, magkakaroon siya ng fans day sa May 9, pero hindi pa namin alam kung saan ang venue.
Eh, paano naman siya nagkainteres sa music?
“Hindi naman ako ganu’n kagaling, pero hilig ko na rin talagang kumanta at mag-rap noon… na ‘pag wala akong magawa, magpapatugtog ako ng mga love songs, tapos sinasabayan ko…
“Then, tinanong ako ni Direk Joven (Tan) kung kaya ko raw bang mag-rap. Sabi ko, kaya ko naman. Kasi mas gusto ko ‘yung rap, kasi mas pasok sa personality ko. Then binuo namin ‘yung Angas. ‘Yung mga ginamit naming salita roon sa kanta is hinugot namin doon sa kung ano ‘yung pinanggalingan ko sa Tondo at kung ano ‘yung pinagdaanan ko roon.”
Mapapanood din sa Youtube ang Angas ng Tondo ni Paul.
La Boka
by Leo Bukas