Si Pauleen Luna ang isa sa mga artistang unang sinundan ng mga followers sa Twitter. Kung inyong matatandaan, nai-feature na siya sa Ang Twit Mo segment ng Pinoy Parazzi sometime last year. Kahit papaano ay natuwa kami sa kanya dahil nag-thank you siya sa ating diyaryo nang mai-publish ang kanyang Twitter updates. Isa lang si Pauleen sa tatlong artistang nagpasalamat sa atin na talaga namang ikinagagalak namin.
Kung inyong nababasa ang past issues ng ating tabloid, hindi na siguro lingid sa inyong kaalaman na si Pauleen ngayon ay gina-gang-up ng mga kapwa niya artista sa Twitter. Diumano, nag-ugat ang lahat dahil lang sa isang lalaki, na napapabalitang karelasyon ng isa pang aktres. Ang lalaking ito pala ay sabay na idine-date ang dalawang magandang aktres. Si Pauleen nga raw ang isa roon at sa kasamaang-palad ay pinagkaisahan na nga ng mga kaibigan ng isa pang aktres si Pauleen.
Ang nasabing insidente ay matatawag na cyber-bullying. Lipana ang ganitong pang-aalaska sa mga social networking sites tulad ng Facebook, Multiply, Friendster, Plurk at ito ngang Twitter. Madalas ay nagiging sanhi ito ng pag-aaway hindi lang online kundi maging offline na rin.
Isa sa mga disadvantages ng cyber-bullying ay ang pagpa-public ng mga away-away. Imbes na maresolbahan agad ang problema, lalo pa itong nakaka-attract ng mga kakampi o kaaway at hindi nila namamalayan na pinagpipiyestahan na sila ng lahat.
Hindi naman sa kinakampihan namin si Pauleen sa isyu na ito, pero mga artista kayo. Dapat lang na kahit papaano ay mag-isip muna kayo bago kayo mag-tweet ng kung anu-ano dahil karamihan sa mga followers ninyo ay mga batang tumitingala sa inyo. Tinaguriang mga role model pa man din ang karamihan sa inyo.
Questions? Comments? Suggestions? E-mail us at [email protected] and visit our site at http://www.pinoyfansclub.com