Pauleen Luna: nakakapagmura talaga!

AMINADO KAMI, “PINAGMUMUMURA” namin si Pauleen Luna sa isip namin. Ganito kasi ‘yon. Eh, ‘di nagpaimbita ang Renew Placenta para sa renewal of contract ni Pauleen sa kanila bilang endorser ng whitening soap, lotion, cream, etc.

Aba, ang potah, ang ganda-ganda. At nakakalokah, ang payat na rin. “I lost 10 lbs. po. Kasi, kailangan, eh!” Juice ko, ‘eto ang tunay na flawless, si Pauleen. Napakakinis at napakaputi ng batang ito.

Tapos, ‘yung mommy pa niya, si Mommy Chat, eh, ang laki rin ng ipinayat. Napagkamalan pa naming bisita lang sa house nila nu’ng nagpunta kami para sa ikaapat na taon na ni Pauleen bilang endorser ng Renew.

Ang hayup na Pauleen, parang walang kapeklat-peklat sa katawan. “Mahusay naman po talaga ang Renew. Hindi rin naman ako mag-e-endorse kung hindi rin naman effective. Ako’ng masisira sa tao!”

At napamura pa kami nang bonggang-bongga, dahil ‘yung brother niyang si Mic, eh, juice ko, kaputi-puting bata. At ang sey ng bagets, “Renew rin po ang gamit ko!”

Gano’n?

SA NGAYON, DESIDIDO pa rin si Aiko Melendez na tumakbong Vice Mayor ng Quezon City. Pero siyempre, gaya ng ibang politicians, maaari pang magbago ang desisyon ni Aiko at kung kilala namin ang kumare naming ‘yan, makikiramdam din ‘yan kung ano ba ang better option.

Sa ngayon, sinasamahan na rin siya ng kanyang half-brother na si Angelo Castañeda sa pagbaba-baba sa sa District 2, dahil in fairness, may charm din at responsible si Angelo, puwede rin itong humalili sa kanya bilang Konsehal.

SINA ROMNICK SARMENTA at Cris Villanueva sa Boystown. Tatay na talaga ang kanilang role. At ang ikinalokah namin, si Anna Roces. Ilang taon na ba ‘to para gumanap na nanay naman ni Robi Domingo?

‘Kalokah, tumatanda na ang mga dating bagets ng That’s Entertainment.

Parang si Kuya Germs din. Gumanap namang bading sa Paupahan na nagbigay sa kanya ng best supporting actor.

Naku, ang layo raw ng comparison, o! Hahaha!

Ngayon pa lang, dami nang nagtatanong kung sino’ng susuportahan namin sa Presidential elections. Actually, sa totoo lang, meron na kaming “mamanukin” bilang presidente.

Pero maaari pang magbago ‘yon depende sa ilalatag na plataporma ng mga kalaban. Ayaw muna naming iispluk kung sino ito. As if naman kami lang ang magde-decide kung sino ang gusto naming iupo, ‘di ba? Taumbayan pa rin ang magwawagi sa ending.

Kaya sana, paspasan na ang poll automation para wala nang masyadong dayaan.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa Wow! Ang Showbiiiz! sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleAngel Locsin Reading an Excerpt from Himala
Next articleSa kabila ng mga kontrobersiya, mabeauty pa rin si La Greta

No posts to display