MAY ISANG segment sa radio program ni Mo Twister kung saan nag-e-entertain sila ng mga live listener-caller to participate in any random topic. Kamakailan, Mo enjoined the tuners-in to give a female celebrity’s name they believed were golddiggers .
Karamihan sa mga lumahok sa diskusyon ay iisang pangalan lang ang ibinigay: Pauleen Luna. As everybody knows, there’s more than meets the eye between Pauleen and Vic Sotto na sila lang ang nakakaalam.
In fairness, Mo — despite his sharp tongue, and oftentimes rude, anti-woman stance — was quick to defend Pauleen.
Nakarating agad kay Pauleen ang public perception na ito sa kanya. Outright, people would prejudge her as making a milking cow out of Bossing dahil sa estado nito sa buhay, financially, to say the least. Lalo pa ngayon na ipinagmamalaki ni Pauleen ang patapos nang bahay na kanyang ipinatatayo that her family hopes to occupy in a month’s time.
Tinawag na “unfair” ng TV host-actress ang mga paratang sa kanya, maanong tingnan naman daw ng mapanghusgang publiko kung gaano siya kasipag magtrabaho at kasinop sa pera. In fact, ang ipinagpatayo niya ng bagong bahay ay perang galing sa kanyang mga magulang, but she, too, has her share of the expenses.
Hindi kasi aware ang publiko sa negosyo ng mga magulang ni Pauleen, all that the public knows is that hindi naman ganoon ka-in demand ang aktres whose visibility is only in Eat Bulaga, neither in other regular TV shows nor in the movies. Endorsements-wise, mukhang iisang produkto lang ng pampaganda meron si Pauleen.
Marahil, ito ang sinisilip ng marami lalo’t nauugnay siya to one of the perceivably richest male celebrities na si Vic Sotto, even without his declared SALN.
NANINIWALA KAMI that even the non-singers have an ear for music, the non-talent managers with an eye for beauty.
Pagsamahin ang music at beauty, and the sum is the singing upstart sa katauhan ni Anna Melissa. Kung tutuusin, she’s no neophyte in the business. At age 16, ang pag-aalalay niya sa kanyang kaibigang lounge singer at the Diamond Hotel became her passport to professional singing.
Upclose, Anna can pass for a TV/movie star, malaki kasi ang kanyang pagkakahawig sa noo’y artistang si Leila Hermosa. Over the years, tampok si Anna sa mga favourite hubs tulad ng Blue Wave, Hard Rock at 19 East, among others doing gigs, churning our pop-rock ballads. Nakasama rin niya ang rock icon na si Rico Blanco. Bago rin nag-disband ang grupong Vanna Vanna ay kabilang rin doon si Anna.
A product of the Center for Pop Music, sinampolan kami ni Anna ng kanyang carrier single in her self-titled album na Makakaasa Ba Ako? Parang ‘yun din ang kanyang gustong malaman as far as her future in the local music industry is concerned, makakaasa nga ba siya?
The answer is yes.
PALIBHASA’Y SUBSOB sa kanyang trabaho sa construction, walang kamalay-malay si Anthony na pinagmamalupitan na pala ng kanyang inang si Aling Teresa ang kanyang asawang si Maribel. Ito ang tampok na kuwento ngayong Miyerkules sa Face To Face na pinamagatang Biyenan Na Impakta, Inaalipin Ang Manugang Nang Todo… Pati Mga Apo Minamaltrato!
Tunghayan naman bukas, Huwebes, ang kaelyahan ni Joyce Jimenez (hindi ang dating Viva star now based in the US) sa episode na Rebeldeng Pamangkin Na Nakikitira Sa Tiyuhin, Ginawang Motel Ang Bahay Para Makipag-something-something! Himutok ni Laila na kinakasama ng uncle ni Joyce, nakikipisan lang daw ang hitad sa kanila pero kapag walang tao sa bahay ay nagdadala siya ng mga boylet, maanong makunsensiya raw si Joyce na natitiis ang kanyang Nanay Rosalinda sa pagtatrabaho habang nagpapasasa naman siya sa ligaya? Kaya nga tunog “joys,” ‘di ba?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III