HINDI NA bago kung mababalita man na naglasing, nangguloat nang-away si Baron Geisler.
Last weekend, may kaibigan kami na tambay sa Conspiracy Bar sa Visayas Ave. sa Quezon City na nagparating ng mensahe na si Baron, gumawa na naman ng eksena.
Lango sa alak na nag-table-hopping habang may hawak na bote ng beer.
Alam ng mga customer ng bar ang topak ng aktor kapag nakainom ito. Tuloy na-tense ang ilan dahil alam nila ang kaliwa’t kanang mga balita about Baron kapag kargado na ng alak.
Kung hindi pa titigil itong si Baron, darating ang balita na bumulagta na lang siya at may saksak (huwag naman po sana) at natapos na rin ang paghahasik niya ng “lagim” sa mga taong nanahimik na umiinom at hindi pasaway tulad niya. At balang araw ay makakahanap din siya ng kanyang katapat.
Tama na ang pag-unawa kay Baron. Paulit-ulit na lang. Hindi sa lahat ng pagkakataon, iintindihin mo ang sitwasyon niya. Tama na!
MAGANDA ANG anak ni Marjorie Barretto at Dennis Padilla na si Julia Barretto na isa sa mga ipinakilala as Star Magic Batch 2013.
May anggulong Gretchen Barretto, lalo na sa buhok niya na mahaba na nakalugay. Gretang-greta ang peg na mas ‘di hamak na mas maganda kaysa sa kanyang Tita Claudine noong nag-uumpisa ito sa showbiz na almost kasing edad niya noon.
Si Julia, halos crush ng majority na mga lalaki sa mga ka-batch niya tulad nina Jerome Ponce, Julian Estrada (na anak ni Sen. Jinggoy) at Khalil Ramos.
Sosi girl si Julia. The way she talks, the way she answer your questions – alam mo na hindi siya masa. Gretchen na Gretchen nga pati ang mga tilamsik ng mga daliri at paghagod sa kanyang mahabang buhok.
Pangarap ni Julia na mabigyan siya ng teleserye like her Tita Gretchen. “I want to prove that I know how to act,” pagmamalaki niya.
IN FAIRNESS to Marian Rivera, marunong siyang umarte or shall I say napapa-arte kapag matino at maganda lang ang piyesa niya sa telebisyon.
Paminsan-minsan we watch her show on Kapuso Network, may alam siya. Marunong siya.
‘Yun nga lang, kapag sa pelikula na, sablay ang mga roles or projects na napupunta sa kanya.
Hopefully, after winning as Best Actress sa nakaraang Golden Screen Awards for Television ng EnPress, she gets a better project.
Sana, maging magandang ang outcome ng pagkasali ni Marian sa indie film ni Vilma Santos na Extra. Kung sa bagay, magaling naman si Direk Jeffrey Jeturian na magtatawid kay Marian to a higher level of acting para maihanay na rin siya bilang aktres, ‘yong seryosong aktres na hindi lang sa mga walang wawang proyekto ng GMA Films sa kanya.
CONGRATULATIONS KINA Gov. ER Ejercito at Angel Locsin for winning as Best Actor and Best Actress at the recent Philippine Movie Press Club (PMPC) 29th Star Awards for Movies held at the AFP Theater sa Camp Aguinaldo last Sunday.
Naulit muli ang nangyari last year. Kung maaalala pa last year, both ER and Angel won the same award sa PMPC for film Manila King Pin: The Asiong Salonga Story at In the Name of Love respectively.
For the first time, natalo ng isang baguhang artista sa katauhan ni Angel for her stunning role in One More Try ang mga batikang tulad nina Vilma Santos, Gina Alajar at Nora Aunor.
Sa kaso ni Nora, hindi kami solve sa acting na ginawa niya sa panlabang pelikula na Thy Womb. Wala lang. Hindi challenging. Walang bago.
Kay Ate Vi naman, hindi kami impressed sa ipinamalas niya sa The Healing. Same as Nora, walang bago.
Sayang we can’t judge Gina Alajar’s performance sa kanyang panlaban na Mater Dolorosa, kung saan Carlo Aquino won as Best Supporting Actor for his performance, while Janice de Belen won Best Supporting Actress for Tiktik: The Aswang Chronicles.
Reyted K
By RK VillaCorta