LABIS-LABIS DAW na pasasalamat ang gustong iparating ni Paulo Avelino sa mga press people dahil since day one daw ng kanyang career mula sa pagsali niya sa Starstruck ay maraming press people daw ang tumulong sa kanya at hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang tinutulungan at hindi niya raw ito nakalilimutan.
Kaya naman daw alam niyang may mga panahong may mga press people na nagagalit sa kanya dahil sa hindi niya pagsagot sa mga isyung ibinabato at idinidikit sa kanyang pangalan. Pero ganu’n naman daw siya talaga, ayaw niyang magsalita nang magsalita dahil mas lalong lalala at lalaki ang issue, especially kapag ang personal niyang buhay na ang pag-uusapan.
Sana nga raw, maintindihan din siya ng mga kapatid sa panulat sa tuwing mas pinipili niya ang manahimik. Sumasagot naman daw siya kapag ang pag-uusapan ay tungkol sa kanyang career o sa bago niyang proyekto, pero kapag tungkol sa kanyang personal na buhay, mas gusto na lang daw nitong maging pribado ito.
P-Pop group Elev8, magko-concert sa Taguig
NAKATAKDANG MAGANAP ang kauna-unahang mini-concert ng pinakabagong boyband na Elev8 na magaganap sa Duenas Covered Court, Brgy. Signal, Taguig City sa June 28, 7 pm, entitled ‘ELEV8 in D’Moves 2014’.
Ang Elev8 ay kinabibilangan nina Maui, Dee-J, Jeff, JB, Keanne, MJ, Matt, Renz, at Chino. Makasasama ng Elev8 bilang espesyal na panauhin ang Sassy Girls, Full Force Dancers, atbp.
John’s Point
by John Fontanilla